"It's easy to fall in love. The hard part is finding someone to catch you." -Bertrand Russell
Wala lang. Gusto ko lang mag-share ng quote, baket?. Wala akong maisip na topic na ikwento for today kaya naman, naghalungkat ako sa kasuluksulukan ng aking inbox at kung saan-saan para makahanap ng scoop. Hanggang sa makarating ako sa.... charan... sa makapangyarihang YM.
Na save ko pala ang ilan sa mga conversation namin ng isa kong friend. Si *%&@#!^. Let's call her "Gurl" na lang. Parang blind item. hahaha. Kelangan kong itago ang name nya dahil baka hindi na nya ko kausapin (as if I care! joke!). So ayun nga. Si Gurl ay isang dalagang Pilipina, very loving daughter at ate, mabait at hardworking, pero napakaraming issues sa buhay. For now, dun muna tayo sa isang issue nya. Ang lovelife.
Enter Issue: Lovelife
Gurl is a certified single since birth. No experience at super innocent pa ,according to her. Every now and then nag-kukwento itong si gurl na gusto na nyang magka-boylet. Pero sadyang mailap ang kapalaran kay Gurl, Ate Charo. Single pa rin ang FB status nya. Single and complicated.
But one sunny day, surprisingly, she found herself head over heels sa isang guy working in the same Company where she works. Na tatawagin nating Boy. (ang creative ng codenames noh?) Araw-araw ay nakikita nya si Boy at nakaka-usap dahil sa business transaction. According to her, gwaping ang Boy at mabait daw. (Sinearch ko nga sa FB ang name) .Pak !Pak ! Bingo! Profile found. Oo nga. Mukang mabait nga at mukhang magpapaiyak ng madaming babae si Boy. May potential maging heartbreaker. Pero kebs kay Gurl. Love nya na daw si Boy. And everyday the Love grows stronger. Oo may ganun!
She has done a lot of effort para mapansin ng kanyang prospect. As in nagpaganda to the highest level.
Ang mga mata, may pag beautiful eyes hanggang maduling.
Ang lips, in bloody red at greasy palage. hahaha
At ang hair, pang-shampoo commercial. Kabog ang hair ng Kim Chiu. Hinotoil, shinampoo at pina-rebond kahit di nakapag-asawa ng mayaman.
Kinareer na lahat ni Gurl. Muntik nya pang subukan ang effectivity ang gayuma. Kaso out of stock daw sa Quiapo.
Ang resulta? Wala. Laos. Such a loser yaya. Sawi pa rin ang drama ng buhay nya. Kung hindi ba naman ambisyosa, isa syang talangka na umibig sa isang lobster. Hahaha. Wala akong maisip na comparison. Ah basta! yun nga, kumbaga sa avid fan, nainlove ang lola sa matinee idol nya. Pero nanatiling fan-idol ang relationship nila. Hindi naman kachakahan ang Gurl. Nagkataon lang na may karakas ang Boy at mukang may iba ring type.
In the end, friendship lang ang kayang i-offer ng Boy. No more. No less. Far from being romantic.
Pero ang Gurl, "Never Surrender" ang motto. (Insert Umaasa by 6 Cycle Mind). Tuloy ang pagsintang pururot nya kahit palihim. Sapat na kahit ang One-Way love affair para sa kanya. At para sa kanya boyfriend nya si Boy. Kahit sya lang ang nakakaalam.
One day habang papalapit si Boy, kinantahan daw sya ng "If we fall in love". She thinks na para yun sa kanya. Na-confused sya.
The next day, lalong na-confused ang Gurl. Confused na confused. Akala nya si Boy me gusto din sa kanya. Sukat ba naman syang yayain sa apartment na tinutuluyan ni Boy. Napilitang (napilitan?) sumama ang Gurl, na teary-eyed pa ang kaliwang mata sa tuwa.
Sa isang bahay.
Si Boy.
Si Gurl.
Naganap ba ang pwedeng maganap?
Sa isang bahay.
Si Boy.
Si Gurl.
Naganap ba ang pwedeng maganap?
Secret.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi. Walang naganap kundi kwentuhan at friendly kiss (friendly for Boy, I don't know for Gurl). Andami kayang tao sa bahay. Pero it was more than a conversation. It was something magical daw (magical?) Akala nya itu na ang katuparan ng kanyang mga panaginip every Thursday night. Akala nya magkakaboylet na sya. Akala niya nahulog na rin si Boy sa kanya. Halos ibigay na nya ang matamis nyang "Oo" kahit hindi tinatanong. Ayun! lalo lang sya na-confused dahil walang confirmation mula kay Boy.
Assumerang palaka.
(Insert In My Dreams by Reo Speedwagon).
Hindi pa rin clear sa kanya kung type sya ni Boy. Gusto sya ni Boy, wishful thinking nya. Pero minsan, paasa, pa-fall lang si Boy. Paparamdam daw nyang gusto sya nito tapos, biglang di magpaparamdam. Pero asang-asa na si Gurl. Asang-asa.
Matapos ang kwentuhan scene sa apartment, they talk again, meet in the office again. Just when she thought everything will fall into places, nabalitaan nyang may new gf na si Boy, na officemate din nila. (Insert Aray by Mae Rivera). Lalong nadurog ang puso ni Gurl.
Nalungkot ng bunggang-bungga ang Gurl. Pag-uwi nya, umiiyak sya .Napasandal sya sa aparador at dahan-dahang nag-slide pababa habang nakataas ang kaliwang kaway, habang tumutugtog ang kantang "Silvertoes" ng Parokya ni Edgar on the side.
Kinuwento nya sa akin ang mga nangyari. Wala akong ibang nasabi sa kanya kundi...
"miss miss pakitigil lang please
ang iyong pagpapantasya
hindi ka na nakakatuwa
papagulpi na kita sa gwardyang may batuta"
ang iyong pagpapantasya
hindi ka na nakakatuwa
papagulpi na kita sa gwardyang may batuta"
"It's easy to fall in love. The hard part is finding someone to catch you."**
**joke lang di ko yan sinabi... sabi ko sa kanya,
"Kalimutan mo na sya. Penge na lang ako ng picture mo, papakita ko kay Ei, yung ipapakilala ko sayo."
ThnxBye!
10 comments:
galing naman
galing naman blog na to
Scary! Scary pala magkuwento ng totoong buhay kay jopan... Naka-publish! hahahahhaha
Hahaha.. Salamat sa pagbisita... hehehe
Permitted yan ni Gurl.
galing nman. I really enjoy reading all ur blog, inaabangan ko mga kasunod. it kills my boredom. kip it up.hehe
Thanks for visiting. I'll try to keep it updated.
Chalamat!
"kumbaga sa avid fan, nainlove ang lola sa matinee idol nya."
-haha parang ako lang. certified nbsb haha :)
@ANONYMOUS #5 : Wag ka mainip, bka the best love story is just being prepared for you. =D hehe may mai-comment lang.
hahaha
Post a Comment