Sumakay ako ng FX kanina on my way to MRT. Oo nag-e-MRT ako! Ikaw na may kotse hmp! Tumitingin-tingin ako sa daan habang tumutugtog ang kantang "Weak" ng Freestyle... Wala naman talagang bearing 'tong kantang to sa akin, naalala ko lang ang isang friend ko, na itatago natin sa pangalang, hmmm Chunli na lang.
Flashback! Now na!
Flashback! Now na!
Favorite kasi ni Chunli ang kantang to. Everytime na magbe-break sila ng boyfriend nya, ito ang kakantahin nya sya videokehan. I said "everytime" dahil ritual na ito. Twice or thrice a month ata sila nagbe-break ni Ryu (codename yan , pwamise!) nung college. After non, paninindigan na ni Chunli ang "I get so weak on the knees, I can hardly speak I lose all control..." dahil konting suyo lang ay kinikilig na ang Chunli na 'kala mo e, 24 inches ang waistline at hanggang Cubao ang buhok nya.
Away-bati talaga sila ni Ryu. Kahit sa petty things.
Mabait naman ang Chunli pero medyo maingay. Mahal na mahal nya si Ryu. Ang Ryu naman hindi advocate ng daang matuwid. Ayaw ni P-Noy ng ganyan. Laging may extra-curricular activities to the left. In short, nangangaliwa. May pagka-detective pa naman 'tong si Chunli. Ang lakas ng radar kapag kumakaliwang landas ang Ryu. Nagtataka na nga ang Ryu kung saan kumukuha ng info ang Chunli.
One time, nakipagkita ang Ryu sa isang girl. Ang layo-layo ng meeting place nila. As in wala nang mag-aakalang doon sila mag mi-meet sa Harmony Homes, Bulacan Tuguegarao, Cagayan. Halatang nagtatago. Kamuka't-mukat, nakarating pa rin kay Chunli mula sa isang reliable source. Kita mo nga naman. Andaming galamay ng Chunli.
Hindi pa naman alam ni Ryu ang rules.
Rule #1: Wag papahuli.
Rule #2: Pag nahuli, wag aamin.
Laging umaamin ang Ryu. tsk! tsk!
After that incident, as usual, videoke na naman kami. Bagong kanta ang pinili ni Chunli. Erase na ang "Weak". Press na si Chunli ng # 233784. At lumabas ang
"Sometimes Love Just Ain't Enough"
ni Aling Patti Smith. Buong giting itong kinanta ni Chunli with matching luha sa kaliwang mata. Mabuti na lang at walang ref sa tabi nya. Baka kasi sumandal sya habang dahan-dahang nag-i-islide pababa.
Akala ko don na nagtatapos ang lahat. Akala ko wala na ang Ryu-Chun love team. Mali! dinalhan lang ata sya ni Ryu ng ensaymada, balik sa "Weak" ang theme song ng Chunli.
After that, to the left, to the left na naman ang landas ni Ryu. Nagmagandang loob naman syang mag-explain. According to him, e textmate lang naman itu at nothing romantic. Pero syempre, knowing Chunli, hindi uubra ang ganyang statement. Yari na naman ang Ryu.
For the Nth time, according to Chunli, it's over. "I love you Goodbye" na daw ang favorite song nya. Of course, walang naniwala.
At tama kami! days after, sila na ulit.
And they repeat the cycle over and over again.
Pero oops! hindi laging ganyan ang eksena. Napagod na rin si Chunli. Nalaman nyang muling nagkaron ng communication si Ryu at ang babae sa Harmony Homes, Bulacan Tuguegarao, Cagayan. At hindi na ito kinaya ng bilbil puso ni Chunli.
Umiyak sya.
Umiyak nang umiyak.
Umiyak nang umiyak.
Pero hindi nagtagal, sa tulong ni Lord, tuluyan na nyang nabitawan si Ryu. Hindi na sya nagpadala sa ensaymada. Wala nang spark ang "Haduken". Wala na ang "Weak". Erase na rin daw ang mascular arms at
Months after, umuwi si Chunli sa probinsya, nagmuni-muni, nag-emote. Sa gitna ng lungkot, nakita nya si Ken. Dati nyang manliligaw si Ken. Masugid pa rin ito at masigasig. May babuyan pagmamahal pa rin sa kanya.
Di nagtagal, binigyan nya chance ang matagal nang umaasang si Ken, na bagamat hindi kasing bright at mascular ni Ryu, mas mabait at faithful naman daw. Masaya na ang Chunli at kayang-kaya na uling mag flying kick. Nakuha pa nga nyang magpa-rebond ng hair e.
Di nagtagal, binigyan nya chance ang matagal nang umaasang si Ken, na bagamat hindi kasing bright at mascular ni Ryu, mas mabait at faithful naman daw. Masaya na ang Chunli at kayang-kaya na uling mag flying kick. Nakuha pa nga nyang magpa-rebond ng hair e.
Paminsan-minsan kinakanta nya pa rin ang "Weak" sa videoke session namin. Pero this time, wala nang luha on the left cheek. Wala nang bitterness. Wala nang lungkot. She recovered.
At Ikakasal na daw ang Chunli.
Wag daw akong mawawala sa event na yon.
Dahil ako ang kakanta! (Jook!)
Wag daw akong mawawala sa event na yon.
Dahil ako ang kakanta! (Jook!)
ng bago nyang favorite...
"On This Day" ni Mang David Pomeranz.
"I can't explain why your lovin' makes me weak..."
This is 3% fiction hehehe.
6 comments:
grabe naman mag mahal ang friend mo pero bilib ako sa mga taong ganyan! kc ako I'm one of the few people who question love in general..ka inis man pero cgro ganun nalang tlga...di lahat binibigay:)
Hi Sunny. Salamat sa pagbisita.
Uu nga e, pero buti na lang natauhan na xa. Why question love? ibibigay din yan sayo in time.
I question love with time...when? but I still have the faith and I would never lose hope...still have a sunny disposition despite of everything I been thru....as what I always said Life is good:)
Hope your having a the big shot with love department:)
Hi Sunny. I like your positive attitude.
yeah! Life is good. Apir!
akala ko si Recom ang loveteam nya eh.. nyahahaha
-Volt
Ahahaha... 1st lady sya ng Caloocan pag nagkataon hahaha... Quiet ssshhhh... hahaha
Post a Comment