Sabi ko sa officemate ko may sasabihin ako sa kanya mamayang uwian. Pero right after lunch pa lang, tinatanong na nya ako kung ano daw yun. Atat mishado. Eto ang aming YM conversation. Yes, nag wa-YM pa kami kahit magka-talikuran lang kame.
Sagana sa "hahaha". Sa maniwala ka at hindi, I know na convinced yang si officemate. Hindi ko alam, pero ipinanganak ata talaga ako upang maging magaling na artista at storyteller (nyahaha). Sobrang credible kapag ako ang nagkukwento, according to others. As in napapaniwala ko daw sila. In the end, kung hindi nila ako babatukan, sisipain at sasapakin, e uulanin ako ng...
"Adik ka talaga! Hmmp!"
Naalala ko nung nasa college ako, mga 3rd year ata kami non, nakatambay kami ng mga kakalase ko sa publication room. Walang teacher nun kaya kelangan naming hintayin ang susunod na subject for like 3 hours. Duh! Puno ata lahat ng videokehan noon sa paligid ng school, kaya nandun lang kami at nagkukwentuhan.
Everybody's saying their own kwento. Tawanan at laitan to the max kami non. Byaheng memory lane ang kwento ng iba. Kesyo, nagpunta daw sila sa ganito at nakita si ganyan dati. Na ganito daw ginawa nya nung bata sya at naaalala nya pa daw na gento sya....kung anu anu pang achu-chu-chu.
Then suddenly, dahil nagkwento na ang lahat, hindi pwedeng wala akong share. Hindi pwedeng manahimik. Bilang actor, dapat umeksena.
Ganito ang press release ko, with feelings at conviction itu,
"Maniniwala ba kayo 'pag sinabi ko sa inyong may kakambal ako?"
Hindi ko alam kung bat napadpad dyan ang usapan.Wala akong nababanggit na ganito sa loob ng 3 years naming pagsasamang lahat. And what do you expect?, Syempre umulan ng...
"Weh? Barbero!"
Yari. Mukang hindi convincing. Kailangang i-angat sa next level ang acting skills. Just when I thought
"Hindi nga?"
"Seryoso?"
"Asan sya ngayon?"
Huli ka! Ayan na, kailangang itodo na ang acting prowess. Sumasakay na sila. Yung iba silent lang. Pero if I know, inaabangan ang susunod sa kwento. Nagsimula na akong maglubid ng buhangin (Lalim no? "Gumawa ng kwento" ang ibig sabihin nyan). Natural na natural lang ang pagkaka-narrate ko....
"Grade 2 lang kami nung paghiwalayin kami ng parents namin, nagkasakit kasi sya. Tas yun, parang ano, bilang panata, gumaling lang daw sya, ipapaampon sya sa Taga-Quezon na kakilala ng Nanay ko. May kaya daw kasi yun pero walang anak."
Ahhh!...Idiot! Hindi ko alam kung anu ba yung nasabi ko. Hindi ko alam kung may sense. Mukang buking na. But wait! convincing pala, dahil may follow up questions ang mga listener...
"Pero nagkikita pa naman kayo ngayon?"
"Anong itsura nya?"
Na sinagot ko naman ng buong giting at acting...
"Identical twins kami kaya malamang kamukha ko sya. Last kami nagkita siguro Grade IV. After non, wala na. Sabi nila nasa Quezon pa rin daw."
Hindi ko alam bat Quezon ang naisip kong probinsya, bat hindi Batanes o kaya Tawi-tawi? Pero, to cut the long story short, napaniwala ko ang lahat.
Tatlong taon ko na silang kasama, pero hindi ko inakala na mauuto ko pa sila. At habang patangu-tango pa ang iba at may pagpalit-palit pa ng opinion about sa kwento ko,
"Uy, guys, joke lang yun."
Ayun muntik akong hindi makaatend sa next class. Muntik nila akong kuyugin.
Pagkatapos ng klase, habang naglalakad kami papuntang sakayan, may nagtanong...
"Hindi nga? totoo nga? wala kang kakambal?"
Sa mga classmates ko, I think you know her, kung sino nagtanong nyang huling tanong. So pano, until next time, hanggang dito na lang muna, may lakad kasi me. Punta kaming...
Quezon.
Byethanksthanks!
No comments:
Post a Comment