Friday, June 03, 2011

The Bicol Experience Part One

The night was young and the stars are there. The sky was clear and no signs that rain is about to come. Everything was set and we were ready to go. Arte lang. Wala na naman akong maisip na intro.

Ayun nga, 2 weeks ago, nagbakasyon grande (kahit 3N2D lang) kami sa Bicol, particularly sa Cam Sur, Guinobatan at Legaspi, Albay. We left the office (yes, after office hours kami umalis.) on a Friday night. All our bags are packed, we're ready to go. We're standing there outside the door na. All set.

Energetic pa ang lahat. May kwentuhan, tawanan, at asaran. When we reached Laguna, ayan na, sleeping child na ang theme song ng iba. Sabi ng officemate ko "mabilis" lang ang byahe. When she said "mabilis", I thought she really meant "mabilis". Hindi ko naisip na titira pala kami sa kalye. Ang layo pala talaga. Spell 11 hours kaya. 

Habang palalim nang palalim ang gabi, patahimik na nang patahimik. Until we reached Quezon, at tatlo na lang kaming gising. Joel, Kate and I na lang. We were sitting at the back. And as we pass through Quezon Province, napansin naming matatarik ang mga daan. Hillside ba naman e. Then, madilim. Joel had a suggestion. Kwentuhan daw ng nakakatakot. Hmm I'm not a fan of horror stories and I rarely find them interesting. He started to share a story. Ikukwento ko ba? Sige mabilis lang.

It happened daw sa isang gym ng isang univesity sa Manila. Hindi ko na babanggitin ang name ng university, baka mademanda pa ko. May isang estudyante daw, I can't remember kung babae o lalake, na nagpunta sa CR para mag-CR (hahaha). Para maghilamos. It was night then. After he/she makes hilamos to his/her face. Tumingin sya sa salamin. And guess what kung anong nakita nya?

a. Si Frankenstein
b. Zombie
c. White lady
d. None of the above

.
.
.
.
The correct answer is D. None of the above. Wala syang nakita.




Joke! Meron syang nakita. None of the above. Kasi, ang nakita nya, madre, you know, nun. Oo, madre. But this nun is no ordinary daw, kasi scary ang face. Baka may dugo-dugo and everything.  At nagme-make face pa daw. Parang nang-aasar at nananakot. And started to get closer pa.  The student closed his/her eyes tightly and rub them. Pag tingin nya, the madre is still there. Hindi nag-disappear. The student started to say a prayer, nirecite nya daw ang Hail Mary, pero andun pa rin ang madre... Nakalimutan ko kung anong nangyari sa ending since hindi nga ako interested, remember. Ang naaalala ko lang, matibay ang paniniwala ni Joel na dapat daw ay "Latin" ang version ng prayer para umalis ang mga spirits. Natakot si Kate sa kwento ni Joel.

Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung totoo bang nangyari o kwento-kwento lang ito. Wait, ask ko kay Joel. Joel, magkano haircut?

Moving, on. Since tatlo na lang kaming gising, I shared my own version of kwento. Shinare ko sa kanila ang very famous "Alamat ng Pink Table". Kung di mo yan alam, don't worry ikukwento ko sa next entry ko, promise. As I tell the kwento, Kate was very fascinated with the story of Jimmy (the lead character) . So with Joel na kunwari hindi interested, pero if I know, naikwento na nya sa barkada nya. In the end, muntik akong itapon ni Kate palabas ng FX.

Kate's turn. Kate also wanted to share her story. Pero by that time, Joel started to fell asleep. Ansama ng budhi no? Tinulugan lang si Kate, knowing na si Kate ang major sponsor ng Bicol escapade na ito. Sa kanila kami kasi makikitulog at makikikain.

Time check. 7:00 AM.

At last, we reached Sabang Port, ang gateway papuntang Caramoan Island para sa aming "island hopping experience". Ang aming first stop sa aming Bicol Adventure. We ate our breakfast muna sa not so sosyal na carinderia, pero ok naman. Eto ang kinain ko...


Alam kong hindi kaaya-aya ng itsura nya. Pero sa maniwala ka at hindi, pancit canton yan, at a reasonable price of P5.00. No joke.

And we started to sail na to Caramoan. Para mas may idea ka sa itsura ng Caramoan, here's the map.

                                             Courtesy of google

Yung may black dot sa upper right ang unang pinuntahan namin. We were all excited habang namamangka papuntang Caramoan Island. At dito pala sa Bicol, when someone told you "mabilis lang" or "malapit lang", do not give your full trust na malapit lang or mabilis lang. Dahil para sa kanila ang 2 hours sa laot ay mabilis lang. Yes two hours bago kami nakarating sa isla. kung bumyahe ako mula Maynila, nasa Pampanga na ako or Tarlac. Nakatulog na ang iba sa bangka.

                                                 My Officemates (clockwise) (Si Joel, nakashades, ang may pakana                                 
                                                                 ng Madre horror story, ako, Frank, Van, Rose and Kate)

Pero ako, Enervon kid. Tuloy ang picture taking. Sayang naman kung tutulugan ko. Nag-stay na lang sana ako sa house kung ganun. Eto ang ilang sceneries.









O di ba? It's worth the wait naman pala e. Ang ganda-ganda ng mga tanawin. Sulit pa rin ang 2 hours!
 Ako na! ako na ang Travel Blogger.

Pero sa laot pa lang yan. Hindi pa yan ang eksantong pupuntahan namin. After ilang minutes pa, hindi pala kami pwedeng pumunta ng Caramoan Island, dahil may nagsho-shooting daw para sa reality TV show. Survivor US ata. Anyways, maganda pa rin naman ang pinagdalhan sa amin ng mga tour guide (bangkero) namin. Not bad. Ito o,... ang Katanaguan Maliit at Katanaguan Malaki Islands.



  




                                                        Pang Bench model search no?

                                      Left to right. Kate, Joel, Jop, Rose at ang nagmamagandang si Van in her black swim suit


There you have it, Friends. Ang Day 1 ng aming Bicol Adventure. Next time na yung Day 2, medyo humahaba na. Ang masasabi ko lang, ang sarap mamasyal at makadaupang palad si Mother Nature. Kung may pera ka rin lang, go and explore the mountains, the seas, the nature. Lahat ng pinuntahan namin, ang ganda.

And before I end this blog entry, let me leave you some inspiring lines...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


"All things bright and beautiful, 
All creatures great and small, 
All things wise and wonderful: 
The Lord God made them all."..
 

Thanks!

2 comments:

=) said...

nagmamaganda talga? hmmp!! hehehe

jtolentino said...

hahaha..., lagyan mo naman ng name kung sino u... Van...