Let's begin with Jeffrey, aka Jeff aka Jepoy aka Balot. Andami nyang a.k.a.
Jeffrey |
Jeffrey is one of my best buddies in HS. Wala akong idea nung una na makakasundo ko sya. We don't have the same interests. Mahilig sya sa computer games, ako hindi. Mahilig sya sa sports, ako hindi. Mahilig sya uminom, ako hindi. Mahilig sya sa... basta mahilig sya, ako hindi.
As the saying goes,
"Friendship is not always finding similarities but enjoying each other's differences."Wait lang, may ganyan bang saying? Sorry naman kung wala.
Nung nasa hayskul kami nila Jepoy, he was the smallest in the class. Palaging first in line sya kapag "find your height" ang pila. Minsan, nalulungkot at nagsasawa na rin sya na palaging ganito. Pero wala naman syang magawa. Gusto kong i-comfort sya ng,
"Ganyan talaga ang buhay. Wag kang malungkot. Mauuso rin ang pampatangkad."Kaya lang mahirap na. Matampuhin kasi ng slight si Jepoy.
Nakasama ko si Jepoy sa training sa COCC. Matikas tong si Balot kahit "below 5 feet" ang height nya (in-empasize ko raw talaga). Pag sinabi ng officer na "Tikas Na!", ay! sabi ko sayo, walang galaw-galaw yan. Pag sinabing "Patakda, Kad!" siguradong march in cadence si Balot. With grace and rhythym. Bawal matamlay. Bawal lousy.
Si Jepoy ang dictionary ko when it comes to I.T. matters. High school pa lang kame, computer wizard na sya at siguradong
In person, mukhang makulit 'tong si Balot. Mukhang hindi papahuli ng buhay. Mukang pasaway, in short. Pero only few people know na sentimental itong si Balot when it comes to friendship and family matters. Mabait syang friend. Naaalala ko pa nga yung sinulat nyang message sa kartolina na pinapirmahan ko sa mga kakalase ko before graduation. Sabi nya,
"HapP!3 Gr@du@+i0n! C0ngR@tul4+!On$! to Y0u!!!" , Kaka-touch noh?
Joke lang. Hindi pa uso ang Jejemons nun. Basta madrama ang message nya. Sa sobrang drama, naluha ako, muntik kong maipampunas ung kartolina.
After high school, matagal-tagal rin kaming hindi nagkita ni Jepoy, (mga 5 days, joke) kahit malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Siguro dahil naging busy na rin kami sa kanya-kanyang buhay after HS. Sya busy sa gf nya, ako busy sa showbiz life ko. Chuz!
Ayun nga, long time no see kaming magkakaibigan. One day, nagkasundo kaming magmeet and greet ulit. Parang reunion, ganun. Kwentuhan, tawanan, asaran, just like the old days. Nakakatuwang makita ang mga friends ko nung high school. Nakakagulat ang pinagbago ng iba. At nakakagulat na makita si Jepoy,... na mas matangkad pa sa'ken. Anak ng tokwa! mukhang
Sya na ang matangkad!
Next is Elmer.
We were HS sophomore nung maging kaklase namin si Elmer. He was the silent-type, witty-looking student at first. Mukhang mahirap biruin at seryoso sa buhay. I was wrong. I never thought na mapapabilang sya sa circle of friends ko.
Elmer |
Lagi syang late sa klase dahil lang sa di sya makaalis ng bahay kung hindi ayos na ayos ang buhok nyang wavy (wavy lang daw hindi kulot according to him). I repeat, "ayos na ayos". Hindi pwedeng "ayos" lang. Dapat "ayos to the 2nd power". Ganyan sya kaarte. Part din ng necessities ng buhay nya ang salamin. In fact, mas importante pa ito kesa sa notebook nya sa Social Studies at Physics.
Maarte rin sya manamit. Pag may lakaran ang tropa, late sya lagi. At pag dating nya, dapat sya lang ang maporma. Nag-eefort talaga. Pero in fairness to Mer, magaling talaga sya magdala ng damit. Pag suot nya ang damit na galing Baclaran, nagmumukha na itong galing
Magaling din sa computer si Elmer like Jeffrey. Quite artistic din sya at magaling mag-mix and match ng kulay. Hindi yan papayag na hindi maganda ang project nya. Dapat mas mataas ang grade nya sa'kin kung arts ang usapan. Hindi pwedeng walang hahanga sa project nya, dahil ikakatampo nya yun.
Hindi man nya sadyain, chances are, may mag-iisip na maangas at mayabang sya. I'm not saying na mayabang at maangas sya. Strong lang talaga ang personality nya. Silent sa una, pero makulit as time goes.
Kung gusto mo namang makasundo si Elmer, just say the magic words...
"Ang cute mo."o kaya naman,
"Kahawig mo si Jericho Rosales."Ikakatuwa nya yan ng sobra. Pero wala kaming sinabi isa man sa mga yan. Baka isipin nya totoo. Pero dahil di kayo magkakilala, I'm sure, after mo sabihin yan, friends na kayo. Uhaw sa papuri si Mokong. Wahaha.
Madaming hangin minsan sa katawan 'tong si Elmer, but if I would describe his characteristics, I would say na magaling sya makisama sa kaibigan at mabait naman (oo! may naman). Hindi sya masyado makwento about his sentimental side, pero mahahalata mo agad pag malungkot sya. Makulit sya at magaling makisalamuha sa iba. Mahilig syang uminom, kaya palagay ko, 50% ng liquid sa katawan nya, e, alak.
Kelan lang, nagpunta sya ng Macau at nagbalik Pinas after few months. Pagbalik nya sa Pilipinas, imbes na mangamusta, inuman agad ang banat nya (e hindi naman ako umiinom). Pero hanggang ngayon, nakaschedule pa rin ang get together namin magbabarkada. Hindi na matuloy-tuloy.
To Jeff and Elmer, buti naman at magkasundo na kayo. Alam kong ako ang nagsabing kalimutan na ninyo ang naging away nyo. Pero naalala nyo ba na isang taon kayong hindi nagpansinan dahil lang sa isang card ng Hunter X Hunter? Hahaha... See you soon, guys! Ituloy na ang get-together na yan!
Oo, ganyan si pag nakakakita ng camera, nag-eemote. |
"A man of many companions may come to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother."
-Proverbs 18:24 NIV
1 comment:
nice one (",)
nagaway dahil sa card ng hunter x hunter ..hehehe.... kakatuwa.
Post a Comment