Tuesday, June 21, 2011

Chunli's Ebs Story

At muling nagbabalik si Chunli. Ang classmate ko nung college na paulit-ulit na niloko ng kanyang Ryu? Kung inaakala mong puro kadramahan ang buhay nya, nagkakamali ka. Paminsan- minsan may shot of humor ka ring makukuha sa kanya.

This is just a fiction. Promise, fiction 'to. (weh?)

Nakasama ko in the same company si Chunli, sa second work ko. At bilang part ng pre-employment requirements kailangan maipasa ang medical exam. 

Hindi alam ni Chunli ang papunta sa clinic na recommended ng company. At bilang matulungin at uber cute friend, nag-volunteer akong samahan sya.  Kine-claim nya kasi parati na mahina sya sa Geography, lalo na sa Metro Manila. So provincial, right? (Joke!)

Chunli is fully aware na kailangan ng urine at stool (ebs) sample. Pero since malayo ang haus niya sa clinic na yon, she  decided na dun na lang sya sa clinic eebs. Syempre nga naman, baka sa tagal ng byahe, kung sa haus pa galing yon e ipauwi lang din sa kanya, dahil expired na (expired?) or nakakamamatay na talaga ang smell.

Nung kailangan na nya magpasa ng stool at ebs, nagpunta na ang Chunli sa CR. Nasa bandang likod ng clinic ang CR kaya wala masyadong tao. 

After half a decade, lumabas din sya sa wakas. Paglabas nya, sterelized bottle lang ng urine ang may laman. Hindi daw sya ma-ebs. (Mukhang kasalanan ito ng Lakatan). Nakiusap sya sa attending personnel kung pwedeng later na lang daw. Pumayag naman.

I dont know what to say kay Chunli that day. So I suggested na magfood trip kami baka mawala ang constipwetpation nya. Tamang-tama, may nagbebenta ng taho. Bumili kami ng taho. Tapos sa tindahan bumili kami ng Sugo, Happy, Dingdong, Choco stick, choco-choko, Corn Flakes, at kung anu-ano pa para lang kumulo ang tyan nya. She even bought Chocolait and coffee.


Tapos non, pumunta si Chunli  sa CR once again para sa tagumpay. Ang tagal nya. Naiinip na ko. Inisip ko, baka hinigop na sya ng toilet bowl. Baka lumabas na si Undin.  Para na akong tatay na nag-aantay sa labas ng delivery room sa sabihin ng doktor na


"Congratulations! it's a boy! Tao po ang lumabas." 


Ang tagal nya talaga sa loob. Pwamise!  Kinatok ko na sya (ng may poot) at binigay ang gintong aral...

"Himas-himasin mo yung baba mo para matae ka!" (sorry for the word)

Buti na lang walang nakarinig. Hindi ko maisip kung anong connection ba meron ang pwet at baba. Narinig ko lang kasi yon sa isang kakilala habang sinasabi sa isa pang kakilala. Wala naman mawawala kung susubukan. Tutal desperado na.

Tumunog ang door knob.

Ayan na. Ayan na si Undin sya!


"It's a boy! It's a boy?!"



Pagbukas ng pinto, lumabas si Chunli.


Butil-butil ang pawis sa noo.


Umiiling.


(Long silence.)



Awang-awa ako sa kanya. Mukhang hapong-hapo at pagod na pagod na sya. If I could only share my ***. Yuck!


We decided na umuwi na lang at babalik na lang sya kinabukasan. Malungkot na malungkot sya, Ate Charo.










Hindi man lang daw nakisama ang pwet nya.







2 comments:

SunnyToast said...

Kuya kalurkey naman 2...parang nescafe 3 in 1 c chunli! kadramahan at kapraningan meron sya...combo!..hahaha

jtolentino said...

Thanks sunny for visiting again. Uu, sya na ang nescafe! Baka kutusan nya ko kapag nalaman nyang kinuwento ko 'to hahaha.