Pink Table. Galing Here. |
Noong unang panahon, may mag-asawang ubod yaman. Mayaman pa kay Pacquiao. Masaya ang mga unang taon ng pagsasama ng mag-asawa at masaya sila sa piling ng isa't-isa. Respetadong lider ng kanilang lugar ang lalaki at mabuting maybahay ang babae.
Subalit isang araw, naramdaman ng mag-asawa na may kulang sa kanilang pagsasama. Matagal na silang magkapiling pero wala pa rin silang anak. Sinubukan nila ang lahat ng paraan. Maging ang payo ng matatanda ay sinunod din nila. Sumayaw at nag-alay na rin sila ng itlog. Ngunit bigo sila sa kanilang hiling.
Lumipas ang ilang panahon at sa wakas, biniyayaan sila ng isang anak. Isang malusog na batang lalaki. Tinawag nila itong Jimmy. Kung bakit Jimmy ay hindi ko rin alam. Wag ka nang matanong dyan. Basta Jimmy.
Lumalaking mabait at matalino si Jimmy.
Dumating ang panahong mag-aaral na si Jimmy. Ipinasok sya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan.
Kindergarten pa lang si Jimmy ay nagpakita na ito ng galing sa pag-aaral. Masigasig sya sa mga aralin. At bibo sa eskwela.
Nang matapos nya ang kindergarten, sya ang nakakuha ng unang karangalan. At dahil sa award niya ay tinanong sya ng kanyang ama kung anong gusto nyang gantimpala.
At binigyan sya ng laruan kotse ng kanyang ama."Gusto ko po ng pink table." ang mabilis na sagot ni Jimmy.
Dumating ang Grade 1. Nag-aral ng mabuti si Jimmy. At muli nyang nakuha ang unang karangalan.
"Anong gusto mong regalo?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng baril-barilan ng ama.
Grade 2 na si Jimmy. Tuwang-tuwa ang maestra nya dahil matalinong bata sya. At muli syang naging first honor.
"Anong gusto mong regalo, anak?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang masiglang tugon naman ni Jimmy.At nagdaan ang Grade 3, 4 at 5. At tulad ng dati, nagsikap si Jimmy sa pag-aaral. At sya ang nakakuhang muli ng 1st honor.
"Anong gusto mong matanggap, anak?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang muling sagot ni Jimmy.Subalit, computer ang ibinili ng kanyang ama.
Hanggang sa matapos ni Jimmy ang elementarya. Dahil sa husay at galing nya, sya ang naging Valedictorian sa klase nila.
"Anak, anong gusto mong regalo?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot ni Jimmy.At binigyan sya ng cellphone ng ama.
At nag-high school na nga si Jimmy. At sa kanyang unang taon ay hindi nya binigo ang kanyang mga magulang. Guess what?
Tama! Sya pa rin ang First Honor. At gaya ng nakasanayan,
"Anak, anong gusto mong regalo?" sabi ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng mas magandang unit ng cellphone. Ung may
Nang Sophomore at Junior na si Jimmy, muli nyang pinagbuti ang pag-aaral nya. At nang dumating ang recognition day, sya ang first honor muli. Kaya naman,tinanong sya ng ama.
"Anak, anong gusto mong regalo?"
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng laptop.
At sumapit ang ikaapat na taon. Buong sikap itong tinapos ni Jimmy. At sa araw ng pagtatapos, sya ang tinanghal na Validictorian. Masayang-masaya si Jimmy at ang mga magulang nya. At minsan pa,
"Anak, anong gusto mong regalo?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At dito ibinigay ang Ipod nya.
Kolehiyo na si Jimmy at pumasok sya sa sikat na pamantasan. Unang taon sa kolehiyo pa lang ay nagpakitang gilas na ang Jimmy. Kaya naman, dean's lister agad. At tulad ng nakasanayan,
"Anak, anong gusto mong regalo?" tanong ng ama.
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng DSLR.
Nang nasa second year hanggang third year na si Jimmy, umibig sya kay Jenny. Subalit nilalaman na pala ng puso ni Jenny si Johnny, ang kanyang bestfriend. Lubos syang nahirapan at na-destruct sa pag-aaral. At para maibsan ang kalungkutan, nagtanong ang ama ni Jimmy,
"Anak, anong gusto mong regalo?"
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng motor.
Nang nasa huling taon na si Jimmy, sinikap nya ang lahat para matapos at maging Summa Cum Laude. At hindi sya nabigo. Buong pagmamalaki syang ibinida ng kanyang mga magulang sa ibang tao. Sabi ng ama nya,
"Anak, anong gusto mong regalo?"
"Gusto ko po ng pink table." ang sagot naman ni Jimmy.At binigyan sya ng sports car.
Isang umaga, nag-drive si Jimmy ng kanyang sports car. Mabilis nya itong pinatakbo. Mabilis na mabilis.Walang nakakaalam kung anong nasa isip ni Jimmy nung mga panahong iyon. Nang biglang...
Boohg!!!
Bumangga ang sasakyan ni Jimmy at nakita syang duguan. Isinugod sya sa ospital ng walang malay.
Ilang araw ang lumipas, nakahiga lang si Jimmy sa kama. Unconcious.
Isang araw, nagising si Jimmy, ngunit masakit pa rin ang katawan at mga sugat. Sabi ng kanyang ama,
At sa mahinang-mahinang boses, sumagot si Jimmy,
"Gumaling ka lang anak, lahat ng gustuhin mo, ibibigay namin ng mama mo. Ano bang gusto mo?"
"Gusto ko po ng Pink Table."
Sa pagkakataong ito, nagtanong na ang ama ni Jimmy,
"Anak bakit mo ba gusto ng Pink Table? Bata ka pa lang ay ito na ang hinihingi mo."
At sa hinang-hinang boses (parang naghihingalo, ganun), sumagot si Jimmy,
"Gu...gu..gusto ko... po... na... nang... Pink Ta....ble da..da...dahil..."
At tuluyang nalagutan ng hininga si Jimmy.
At dyan nagtatapos ang kwento ni Jimmy at ng Pink Table.
Pink Table. Galing Here. |
No comments:
Post a Comment