Hi Friends, eto na naman me. Thankful ako na everytime na kukulangin ang aking utak sa iodized salt dahil wala akong maisip na isulat, Ching! biglang may magbibigay ng idea.
Recently lang, isang facebook comment ang na-receive ko. It goes something like this...ay! sa dulo ko na ilalagay kasi pag nabasa mo baka mapa-cartweel ka with matching split in the end. For the mean time, ayon sa ilang
Here.
Nung medyo payat pa ko at "small to medium" pa lang ang size ng shirt ko, Sya daw ang kamukha ko.
Galing Here. |
Akala ko nung una, lola ko lang sa mother side at ume-echos na mga tyahin ko lang ang nagsasabi nyan. At hindi talaga ako naniniwala. One time, nung college, nag-merged ang klase ng AB English at BS Accountancy sa isang subject. PE. Nakita ko dun ang isang classmate ko nung elementary. And knowing me na ever-friendly, I approached her...
"Uy! Di ba ikaw si Ronna? Kilala mo pa ko?"
I was certain na classmate ko sya nung elementary. Pero mukhang hindi batang Gluthapos si classmate. Or sadyang commoner lang ako noon kaya di nya me maalala? Sumagot naman sya in fairness,
"Luis? Luis Manzano? Sorreeeee di kita maalala." sabay kikay na tawa.
Di ko alam kung iinit ba ang ulo ko dahil di nya ko maalala o magtatatalon ako dahil impliedly e sinasabi nyang ka-hawig ko si Lucky. You decide.
Anyways, on my next celebrity look-a-like daw...Eto pinakamabenta sa lahat. Mabenta dahil 8 out of 10 na nagsabing may kamukha ako, siya ang naiisip. Guess who?
(drumrolls)
Charan!
Galing Here. |
Tama! si Jiro Manio nga! May angal? Hindi ko na iisa-isahin kung sino-sino ang nagsabi nyan, dahil kahit ako mismo hindi ko na sila matandaan. Minsan gusto ko maniwala.
At eto kina-tumbling ko, may kamukha daw ako, allegedly e rapist. Yes Friends, Alleged Rapist. Ewan ko ba dun sa officemate ko. Bago lang sya sa office nung sinabi nya yon saken. Di ko tuloy alam kung ine-echos nya lang ba ako. Eto ang pic.
Galing Here. |
Si Patrick dela Rosa yan. At oo alledgedly nang-rape daw sya. Eto ang balita. Alam kong malabo ko syang maging kamukha. Sorry naman, malabo din kausap yung officemate ko that time. Next...
Lastly, for now, (Baka kasi later, e may magsabing kamukha ko si Dingdong o si Zac Efron) may kamukha naman daw akong actor. Hindi Pinoy. Hindi Hapon. Hindi ko sinasabing kamukha ko sya. Kung napanood mo ang movie na Crazy Little Thing Called Love (First Love), andun sya. Si "Acharanat Ariyaritwikol", popularly known as P'Top or VJ Nott. Hirap banggitin ng pangalan no? Click mo na lang 'to kung gusto mo makita itsura nya. Well, Thai actor kasi sya. Sya yung sinasabi ko sa third paragraph of this post. Again, I'm not claiming na kamukha ko sya. May nagsabi lang na...
Kung naniniwala ako? Oo, naman. Sino ba naman ako para pabulaanan ang opinion ng iba. Gumaganown! At kahit hindi maniwala ang iba, ok lang. Naniniwala ako sa inyo.
Salamat you made my day nyahahaha....
Ikaw may celebrity look-a-like ka ba?
Weh? Sino?
4 comments:
In fairness.. kahawig mmo nga sila Jop.. lalo na si Patrick..haha joke lang :D si Luis kahawig mo talga sa picture na nakuha mo..hehe
-Volt
Thanks volt sa pagbasa... Parang mali yung oras sa comments. Or talagang 1:14AM ka nagcomment?
wahaha...crazy thing called love...medyo kamukha mo pero c Luis mas malapit:)
kulit ng post mo.
Your new follower hope you follow back:)
Hi Sunny Toast. Thanks Thanks. I will.
Post a Comment