Hi Friends, Welcome. This is it. Blogger na ba talaga ako?
Bata pa lang ako, mga 1 year old pangarap ko na magsulat... sa pader, sa lamesa, sa mga cabinet, sulat ako nang sulat. But seriously, elementary pa lang ako, gusto ko na ang pagsusulat. Hindi nga lang ako Best in Writing dahil parang kinahig ng manok, pato, pabo, at kung ano pang nangangahig ang penmanship ko. Sinalihan ko ang mga journalism ek ek club at essay writing contest chu chu. Pinagarap ko din noon na magsulat sa peryodiko, oo sa dyaryo, sa Xerex Xaviera editorial or news section. Kapag may nagtanong sa akin kung anon kukunin kong kurso sa college, sinasabi kong gusto kong maging hosto journalist. Ganyan ko kagusto magsulat. Hindi ko lang alam kung gusto ako ng pagsusulat.
Nung nasa high school na ko, may orgs din sa school. At dahil first year ako at baguhan sa school, na btw, private (chuchal). Ask ask ako sa mga classmates ko, na loyalty awardee sa tagal nila sa school, (since nursery pa ata) kung ano-anong pwedeng salihan, hoping na may school organ slash publication. At ayun..., wala. Oo wala. E, dun sa resibo ko nung nagbayad kami ng nanay ko ng miscellaneous expenses, may nakasulat na payment for "school paper", tapos wala. Hay naku, matawagan nga ang Dep-Ed NCR chapter. hmp!
So ayun nga walang publication. Ang tanging meron, majorette, drums at lyre. Hindi naman ako music lover that time at wala naman akong balak na mag-majorette. So ayun natapos ang hayskul ko nang walang membership sa kahit anong org.
But wait, here's more. Akala ko dun na natapos ang lahat. One school year, nagkaron kami ng teacher sa English. Maputi, makinis, Mabait, soft-spoken at mukang matalino. Tawagin natin syang Ms. D. Niligawan si Ms. D nang isang co-teacher na si Mr. Close-up Smile kung tawagin sa campus. Pero ayun, nabasted sya dah... Ay saka ko na pala yan ikukwento... Ayun nga... Si Ms. D, nag pa-project. Gagawa daw kami ng school paper. Oo yung paper ng school tama. Ang saya. Group effort itu. Natupad din ang pangarap kong maging feeling-writer. Bandang huli, ipapacheck pala sa Directress ng school na si Mrs Pal****, na isang certified grammar police. Oo very very grammarian ang lola. Pati intonation at pronunciation dapat tama. Hayy syempre nakakatense yun. Pero ayun naging ok naman ang lahat. Nagsulat kami ng maayos. At maganda ang comment nya sa ginawa naming dyaryo.
"Full of pictures." sabi nya.
Na-excite kami masyado, kala namin photo album ang ginagawa namin. Nakalimutan namin na hindi dapat madami ang pictures. hahaha... Anyway, Past is past.... Business is business, and Anna Dizon is Anna Dizon. Sino ba yang Anna Dizon na yan?
At yun na ang fulfillment ng pag fifeeling writer ko nung hayskul.
Here comes college. Naging part ako ng school publication. Pero ska ko na ikukwento kasi humahaba na tong post na to. Bka isipin nyo, friends e novel itu.
Ayun nga, dahil sa isang friend e naisip kong gumawa ng sarili kong blog. Para magsulat, magkwento, mang-asar, mag-express ng sarili at kung anu-ano pa. Tutal nahanap naman na ang diary ni Tiyo Carlo at alam na nilang napagpalit si Mara at Clara. Itatapon ko na ang diary ko. Joke lang wala kong diary. So 80's.
And as I go with this endeavor, (gumaganown!) samahan nyo ko. And again Welcome sa bahay ko.
2 comments:
nabitin aq ........hihi..
pero nice effort ah...congrats
parng at home aq s bhay u haha
juk.
Thanks! cge lang feel at home..
Post a Comment