Mula sa airport, sinundo ako ng isang employee din ng pinapasukan kong kumpanya. At dahil hindi pa ako nanananghalian, pinakain nya muna ko ng Bachoy. Hindi ito ang authentic na La Paz Bachoy, pero nevertheless, masarap pa rin naman sya.
I stayed in Iloilo for about a week. At during my stay there, maraming bagay ang maganda sa Iloilo na nagpangiti sa akin ng bunggang-bungga. Here's the list.
1. Mababait at masasayang tao ang mga nakilala kong Ilonggo. Kahit nahihirapan sila sa workload nila sa office, they manage to wear a smile on their faces. They laugh hard at enjoy kasama. Hospitable din sila sa mga dayo. They'll make you feel at home.
2. I love the Hiligaynon dialect. Sa lahat ng narinig kong wika, eto na yata ang pinaka-pleasing sa ears. Ilonggos speak at their sweetest tone. Alam mo yun yung tipong galit na, hindi pa halata. Even sa pagpara sa jeepney, you would notice their soft tone. They also called their fellow Ilonggo "Ga", short for Pangga, or mahal in Tagalog. Answit deba?
3. Buhay na buhay ang night life sa Smallville sa Iloilo. Para syang series of Bars, Disco house ang sing-along hub in the city at affordable ang prices ha. (at prinomote ko daw talaga.)
4. Madaming murang kainan sa Iloilo. If you happen to come there, don't forget to check "Green Mango" resto. Semi-fine dine-in na sya, pero sa presyong abot kaya.(Sana bayaran nila ko for this endorsement). Cozy place, yummy food, nice crews. You may also want to eat at JD's, parang local version nila ng Goldilocks, they sell pastries pero may mga rice meals din at merienda items at its cheapest price.
@ Green Mango |
5. There is a place in Iloilo called Damires Hills in Janiuay, Iloilo. If you are looking for a serene, peaceful place, Check this out. Newly establish lang daw itong resort na to at the top of a hill. Sobrang relaxing at refreshing.
6. Madaming lumang structures sa Iloilo, lumang churches, houses at mga establishments. In fact, yung office na pinuntahan ko rito, luma din ang structure, malaki sya at may hagdan na pag nagtake ka ng pictures, then pina-develop mo, chances are may makasama kang hindi nakikita ng naked eye.
Even yung tinirhan namin boarding house, medyo katakot. Para kong nag-time travel. Luma yung house, pwedeng pag shootingan ng historic or horror film. Sa common area bago pumasok ng room, punong puno ng wood-laminated portraits na parang nakatingin sayo pag dadaan ka. Meron ding mga diploma, family at pictures, lahat luma. Yung mga furnitures din nila mga antique. Para kang nasa bahay na anytime may lalabas na babaeng naka-white na belo at naka-wedding gown. Ganun! Katakot! Yung mirror nila, parang yung ginagamit sa Encantadia, wala ka nang makikitang ganung design sa ngayon. Totoong medyo nakakatakot but somehow, nakakatuwa pa rin makakita ng ganung mga bagay. It's nice to look back at the past.
I'm looking forward na makabalik sa Iloilo in some other time....
Bye bye. Thanks.
4 comments:
the food seems nice ,
the people seem nice,
the place seems nice.
EVErything seems nice...
pero its nicer kung makapunta din ako jan. haha
Ka inggit...I miss iloilo:)The Damires Hills in Janiuay ang ganda...close to nature:)
thank you for sharing:)
jop na miss ko ang blog mo =)
Ilonggo here. Yaan mo next time we'll tour there again.
Post a Comment