Tuesday, July 05, 2011

Life is Short

Hi Friends! 

Last Wednesday night, bumyahe ako pauwi ng Tarlac to pay my last respect sa aking beloved great grandmother. Tama! great grandmother! Lola sa tuhod ata ang tawag dun sa Tagalog. Lola sya ng nanay ko actually. 

Kilalang-kilala si Lola Piang doon dahil sya na ata ang pinakamatanda sa barrio. Sa huling gabi ng lamay, pagdating ko, andaming tao. Merong mga nagkukwentuhan at nagkakamustahan. Meron ding mga nagsusugal, bumabangka at tumataya. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero part na talaga ng kultura na kapag may namatay don, dapat may saklaan, pusoy, monti, russian, tong-its at kung anu-ano pang sugal.


Madami kaming relatives na dumating. Ini-introduce ako ng mga tita ko sa kanila at sila sa akin. Alam mo naman sa probisya, kahit 5th civil degree of consanguinity pa yan, kamag-anak mo pa rin yan. Ganun ang family ties doon.

Kinalyo ata ang noo ko sa kakamano sa mga hindi ko kakilala pero tiyo, tiya, pinsan, pinsan ng nanay, tiyahin sa pinsan, pinsan ng lola, 2nd cousin ng nanay, lola at lolo ko raw according to my tita. At bilang magalang  at cute ako, bless kung bless naman ako. Nothing to lose. It's nice to know the geneology.

And while being introduced, eto naman ang ilan sa mga questions and comments ng mga kamag-anak (kilala at di kilala) ko:
"Mukhang hiyang ka sa trabaho. Tumaba ka, pero gwapo pa rin." (Kayo na ang payat!!!!!!)
"Sa'n ka nagtatrabaho?"..., "Ang yaman mo na siguro!" (hindi ko pa nasasagot ang question may follow up comment na. Mukha lang po akong mayaman. Pero.......basta mukha lang po akong mayaman hahaha)
" Ito na ba yung anak ni Churva ek ek? Ampogi-pogi namang bata nito" (Salamat po. pinaniwalaan ko po kayo na pogi ako at bata pa ako, pero hindi po ako anak ni Churva ek ek. Kapatid  po yun ng nanay ko)
" Kasanting a bainta-u!" ( Super Like ko 'to. native words yan sa province namin na ang ibig sabihin "gwapong binata". Well sila nagsabi nyan. Gusto ko na talagang maniwala, promise. ) 
O, well, hindi yan ang topic, side kwento lang yan.

Eto na...

Nung nabubuhay pa si Lola, kapag nagpupunta kami ng Tarlac, we make sure na pupuntahan namin agad si Lola Piang sa bahay nya. Magtatampo kasi yun kapag nalaman nyang nandun kami tas hindi kami agad pumunta sa bahay nya. Madalas, tsinelas na kulay maroon na may colorful beads na parang burda sa unahan ang binibigay ng nanay ko sa kanya kapag darating kami. At alam mo naman kapag nagkaka-edad na, nagiging sentrimental. Kahit tsinelas lang yun, we know na ikakatuwa nya yun ng sobra. Nearly 100 years old na sya, pero wag ka, sharp pa rin ang memory nya kahit walang Memo Plus Gold at Gluthapos. Kilala nya pa even yung apo nya sa tuhod na medyo may karamihan na rin. 

Ayon sa nanay ko, kahit nung bata-bata pa daw si Lola Piang, masipag daw talaga sya. Bukod sa mga gawaing bahay, alam nya rin gawin ang mga trabahong panlalake at pambukid. Ayaw na ayaw din nyang nasisikatan ng araw sa higaan nya. Bago pa mag-umaga dapat gising na daw sila, dahil mortal sin para sa kanya ang magpatamad-tamad. Siguro, kung meron man naipasang katangian si Lola Piang sa lola ko (mudrax ni nanay), na ipinasa naman ng lola ko sa nanay ko, na patuloy namang itinuturo ng nanay ko sa akin, ito siguro ang pagiging masipag. I hope matutunan ko hahaha.

The night before the interment, I had a chance to talk to an uncle (pinsan ng nanay ko) while we were sitting in front of the coffin. According to him, Lola Piang took care of them when they were young. Nine lahat silang inalagaan ni Lola mula panganay up to the youngest. Buong buhay nya, since birth ay nasa tabi na nila si Lola. At nung magkasakit naman si Lola, andun naman sya sa tabi nito. Kaya naman masakit sa kanila na wala na siya. Parang hindi pa nga daw sya makapaniwala. But then, I think accepted naman na nya. He knows that our lola is not young anymore.

Kinabukasan, araw na ng libing. This was the hardest part. Nakakalungkot talaga when someone you love passed away. Nakakalungkot isipin na yung unifying factor namin magkakamag-anak ay wala na. Sa part ko pa lang na hindi naman sya nakakasama ng madalas, e malungkot na. Paano pa kaya sa mga talagang malalapit sa kanya? Pero ito ang batas ng buhay.

We are not in this planet forever. We are but aliens here. Hindi natin alam kung kailan, saan at sa kung paanong paraan tayo lilisan. Bagamat maiksi lang ang buhay, we should rejoice we have it. We must live it to the fullest and with no regrets. 

In the end, masasabi natin, it was a life well-lived.





1 comment:

SunnyToast said...

Tama ka kuya! We must live it to the fullest and with no regrets!

happy blogging:)life is good indeed!