I know, I know, natagalan bago nasundan ang
Part One ng aming Bicol Experience. Sorry naman, medyo naging busy lang lately. (Busy?????). Basta saka ko na eexplain.
Friends and countrymen, Behold. Lemme present to you, the second wave of our adventure in Bicol!
The Caramoan island hopping day is fun. However, humihina rin ang katawang lupa namin, kaya naman ang next stop, diretcho na sa haus ni officemate na syang major sponsor ng Bicol Trip na itu. Tama! Si Kate nga.
According kay Kate, "mabilis" na lang ang byahe from Sabang Port to Guinobatan, Albay. Of which, we believed. Di ko naman inakala na aabutin pa pala ng dalawa't kalahating oras ang "mabilis" na yun. Kala ko walking distance na.
Nakatulog ako sa sasakyan dahil sa pagod. Wala na kong paki kahit ngawit na ngawit na ang mga tuhod kong naka fold. Basta inaantok na ko. Hindi ko namalayan na...
Charan! Nandun na pala kami sa bahay nila Kate.
Ay! sabi ko sayo, pagbaba ko ng sasakyan... isang malaking bahay ang tumambad sa aming harapan. Susyal na susyal ang nagsusumigaw na
fussia pusha pink color nito from head to toe. Yes! kulay pink ang bahay. So kikay, right? Ang ganda at ang laki.
Hindi pa man din ako nakaka-recover sa pagka-amaze sa naturang tahanan, sinalubong na kami ng mother ni Kate. Very hospitable and accomodating. Niyaya agad kami sa hapag-kainan, para
lumamon makakain.
When I say makakain, I really mean mabundat. Ang daming foods. Para kaming mga patabaing baboy. I dunno what to pick. May home-made embotido,( na uber sarap), Bicol Express, sweet and sour, at ska...basta madameng-madame pa.
Hindi lang bongga, Fiesta!
At dahil mahina ang katawang lupa ko, natukso akong kumain ng madami.
Makabawi man lang sa 13 hours na byahe. And the food was good.
Sincerely, we felt welcome. Kate's mom was very kind. Right after dinner, she even told us na may pagkain pa sa ref na nasa tutuluyan namin kwarto. I was full that night. Pero I can't help it. Nilantakan pa namin yung chocolates, fruits, etc. sa ref. Nakakahiya kayang tumanggi. Baka sabihin choosy kami. Sinabing kumain, e di kumain. Ang dali ko kaya kausap. Then, natulog na kami.
Kinabukasan, si Kate ang naging official tour guide. A strict tour guide. Sinabi nyang alas-otso kami aalis, 8AM empunto lumarga kame. Pero bago mag alas otso, ginising na kami para sa aming breakfast. And again, andaming pagkain. Mukang may galit ang pamilyang ito sa ulcer. Bawal ata ang magutom sa haus nila.
Matapos ang breakfast. Kate took us to Kawa-kawa Park.
Mabuti na lang at we are on our slippers. Dahil aakyatin pala namin ang hill na ito. Nakakapagod. Sa taas, May stations of the Cross, butterfly house, horseback riding at obstacle course. Famous ang place dahil walang hilltop ang burol na ito. Yes! Parang coliseum ang tuktok.
Nung nasa may itaas na kami, we saw the picturesque view of mountains, plains and bodies of water. It was just beautiful. We have felt serenity and tranquility. We were fascinated by the view. We were caught unprepared for this kind of beauty that the nature will show us. Ok, OA na. basta.., Ang Gandah!
And that's Kawa-kawa Park.
After the tiring but enjoying hill climbing, we went back to Kate's House. Naligo lang kami at nagpalit ng damit. Mabilisan dapat dahil remember, strict ang aming tour guide. Hindi na kami nag-lunch dahil sa house ng Tita daw ni Kate kami manananghalian. At as usual, masarap pa rin ang food. Hindi ko alam ang name ng kinain naming pork dish, basta masarap. Meron ding ampalaya na masarap pala pag nilutuan ng gata. Dun namin sinundo si Cindee (cousin ni Kate) na
magpapasa-load sa akin mag-gaguide sa amin on our way to Mt. Mayon. You got it right. Mt. Mayon. The famous perfect-coned Mayon.
Sa daan pa lang, manghang-mangha na kami sa ganda ng Mayon. Justified na justified ang pangalan nya sa itsura nya. Mayon's name was derived from the Bicol word,
"magayon" meaning "beautiful". Kaya naman pala gandang-ganda dito ang mga tourists, both local ang foreign.
Ako na! ako na ang travel blogger!
Eto ang ilang pics ng Mt. Mayon, the pride of Bicolandia:
Ang ganda di ba? Go na sa Mayon and see it for yourself. Mamamangha ka for sure.
Naku! Baka gawin akong secretary ng Dept. of Tourism ni P-Noy.
Just when I thought that we've seen all what Bicol could offer, Cindee and Kate took us to Lignon Hill. Hill na naman to, meaning aakyat na naman kami ng pagkataas-taas. And I was right. Umakyat na naman kami. Kapagod.
Pero nang marating na namin ang tuktok ng Lignon Hill, no regrets. Face to face na itu with Mayon Volcano on one side, and the view of the whole Legaspi City, Albay on the other side. It was just breath-taking. God made it beautiful.
Nakakapagod. Nakakauhaw. But it's worth it.
Akala ko uwian na. May next pa pala kaming pupuntahan, ang "Embarcadero." Para s'yang mall sa seaside. May zipline na sobrang haba at Go-Kart.
I was hesitant at first. Parang nakakatakot kasi mag Go-Kart. Natatakot ako baka magalusan ang balat kong pang-mayaman chuz!. Pero later, na-realized kong mukang masaya. Kaya naman pumirma na rin ako sa waiver at sinubukan ang Go-Kart. Ang cute cute ko sa suot kong protective gears.
Notice the alambre na nasa unahan ng kart. Ayan ang kinakatakot ko, baka makalas sya in the middle of the track. Thank God at safe ko namang natapos ang 2 lapses.
After that, we bought some siopao, na instead na siopao sauce ang nilalagay, e ketchup. Pero masarap naman sya at nakakabusog. Then, we went home na.
Pahingang konti.
Then, kain ng dinner.
Tapos non, we packed our things na para bumalik ng Manila. Nagmamadali kami kasi according sa PAG-ASA, may low-pressure area daw na namumuo malapit sa Bicolandia. Baka ma-stranded.
There you go kids, ang second wave ng aming Bicol Tour.
Di man lang ako nakapag-uwi ng laing.