Friday, September 02, 2011

Iloilo

At sa wakas, narating ko din ang Iloilo.

Mula sa airport, sinundo ako ng isang employee din ng pinapasukan kong kumpanya. At dahil hindi pa ako nanananghalian, pinakain nya muna ko ng Bachoy. Hindi ito ang authentic na La Paz Bachoy, pero nevertheless, masarap pa rin naman sya.

I stayed in Iloilo for about a week. At during my stay there, maraming bagay ang maganda sa Iloilo na nagpangiti sa akin ng bunggang-bungga. Here's the list.

1. Mababait at masasayang tao ang mga nakilala kong Ilonggo. Kahit nahihirapan sila sa workload nila sa office, they manage to wear a smile on their faces. They laugh hard at enjoy kasama. Hospitable din sila sa mga dayo. They'll make you feel at home.

2. I love the Hiligaynon dialect. Sa lahat ng narinig kong wika, eto na yata ang pinaka-pleasing sa ears. Ilonggos speak at their sweetest tone. Alam mo yun yung tipong galit na, hindi pa halata. Even sa pagpara sa jeepney, you would notice their soft tone. They also called their fellow Ilonggo "Ga", short for Pangga, or mahal in Tagalog. Answit deba?

3. Buhay na buhay ang night life sa Smallville sa Iloilo. Para syang series of Bars, Disco house ang sing-along hub in the city at affordable ang prices ha. (at prinomote ko daw talaga.)

4. Madaming murang kainan sa Iloilo. If you happen to come there, don't forget to check "Green Mango" resto. Semi-fine dine-in na sya, pero sa presyong abot kaya.(Sana bayaran nila ko for this endorsement). Cozy place, yummy food, nice crews. You may also want to eat at JD's, parang local version nila ng Goldilocks, they sell pastries pero may mga rice meals din at merienda items at its cheapest price.

@ Green Mango


5. There is a place in Iloilo called Damires Hills in Janiuay, Iloilo. If you are looking for a serene, peaceful place, Check this out. Newly establish lang daw itong resort na to at the top of a hill. Sobrang relaxing at refreshing.



6. Madaming lumang structures sa Iloilo, lumang churches, houses at mga establishments. In fact, yung office na pinuntahan ko rito, luma din ang structure, malaki sya at may hagdan na pag nagtake ka ng pictures, then pina-develop mo, chances are may makasama kang hindi nakikita ng naked eye.

Even yung tinirhan namin boarding house, medyo katakot. Para kong nag-time travel. Luma yung house, pwedeng pag shootingan ng historic or horror film. Sa common area bago pumasok ng room, punong puno ng wood-laminated portraits na parang nakatingin sayo pag dadaan ka. Meron ding mga diploma, family at pictures, lahat luma. Yung mga furnitures din nila mga antique. Para kang nasa bahay na anytime may lalabas na babaeng naka-white na belo at naka-wedding gown. Ganun! Katakot! Yung mirror nila, parang yung ginagamit sa Encantadia, wala ka nang makikitang ganung design sa ngayon. Totoong medyo nakakatakot but somehow, nakakatuwa pa rin makakita ng ganung mga bagay. It's nice to look back at the past.

I'm looking forward na makabalik sa Iloilo in some other time....
 Bye bye. Thanks.

Thursday, September 01, 2011

@ Gate 116

Hi friends! Hindi ko na na-update tong blog na 'to. As in I'm so busy. Joke lang. Eto nga pala ang continuation ng trip to Panay Island ko. Pasensya na at natagalan ang karugtong.


So ayun nga, ayon sa aking plain plane ticket, sa Gate 116 daw ako ng NAIA Terminal 3 @ 1110H. Habang naghihintay ako dun, (dahil mejo napaaga ng 2 hours lang naman ang dating ko), observe-observe lang ako sa mga kaganapan sa loob ng paliparan. Hindi ito ang first time ko na makakasakay ng eroplano. But the feeling is the same. Para pa rin akong promdi na nagmamasid. (yes! Nagmamasid! Buwan ng wika??)


Byaheng Iloilo ang sasakyan kong eroplano. Habang nakaupo ako at nag-aantay sa holding area, ang mga airline employees, paulit-ulit na nagsasabi ng
"Tagbilaran...now boarding" "Calling all passengers bound to Tagbilaran"
Raised to nth power.  Ganun kadaming ulit.


Nakakatuwa yung ganung service nila. Syempre nga naman baka may maiwan. Sa dami ng ulit nilang binanggit yan, meron pala talagang mga pasaway. Alam mo yun? yung last 30 seconds na lang e magsasara na ang eroplano at ready nang magtake-off e may tumatakbo pa.
"Calling the last passengers bound to Tagbilaran, Perfecta Madlangkeme,  Seung Park Lee, Song Han Kim"
"Tinatawagan po ng pansin ang mga nahuhuling manlalakbay patungong Tagbilaran Perfecta Madlangkeme,  Seung Park Lee, Song Han Kim"
Paulit-ulit yan ha.


At dumating nga ang isang babae. Si Ate na naka-pink back-pack. Prenteng-prente pa ang arrive ni Ate. As if 2 hours early pa sya. Walang bakas ng pagmamadali. I'm sure sya si Perfecta Madlangkeme. Wala lang feeling ko lang.
"Thug-bee-lah-run???", ask ni Ate.
Sumagot ang airline employee..
"Oo! Kanina pa! takbo po. takbo!" (take note! may halong konting ines itu.)
Si Ate matibay, walk kung walk pa rin papunta sa front door.
"TAKBO PO, TAKBO HINDI LAKAD!!! TAKBOOOOO!!!!!!!!! ay talagang galit na si ateng airline employee.
At tumakbo nga si Ate. Sana naabutan nya.


At hindi pa dyan natatapos ang punctuality ng mga Noypi. After an hour,
"Calling the last passengers bound to Butuan, bound to Butuan Juanito Wenceslao and Liwayway Wenceslao."
"Tinatawagan po ng pansin ang mga nahuhuling mananakay patungong Butuan patungong Butuan, Juanito Wenceslao at Liwayway Wenceslao."
At dumating ang dalawang matandang matandang mag-asawa. Na malamang ay si Juanito at Liwayway Wenceslao na. In-assist sila ng isang lalaking crew patungong back door kung saan naghihintay ang plane patungong Butuan. Habang naglalakad sila papuntang backdoor, sabi ni Crew,
"Nay, takbo po tayo."
Imaginine mo kung anong itsura ng dalawang uber thunder na pinapatakbo. Sige imaginin mo! Ayun lalo silang natagalan umabot sa backdoor.


Maya-maya pa,


"Calling the attention of all passengers bound to Iloilo, (ayan at last makakalipad na, Iloilo, here I come!!!!) Your flight is reschedule at 1:00 PM this afternoon due to the additional servicing of the aircraft. We are sorry for this inconvinience. Please wait for further announcement!"


Huwaaaatt???? another 2 hours akong maghihintay??? Are you serious??!!!?Please wait??? 9:00 pa ako naghihintay!!!


O, well, ano bang magagawa ko? E, di maghintay. Habang naghihintay, isang katabi kong pasahero ang nag-tetext, ngumingiti-ngiti pa tas tumayo, at nag-split umakyat ng hagdan. As if we care sa ginagawa nya noh? LOL. Maya-maya paglingon ko, Pak! Nahulog pala yung wallet nya sa upuan.


Ano ang ginawa ko?


a. inangkin ang wallet na mukang makapal at mamahalin
b. Deadma
c. Oo, tama! mabuti ang puso ko kaya hinabol ko ang may-ari hanggang sa itaas. Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis para abutan ko sya.


Pag-abot ko ng wallet,... in fairness nag-thank you naman. Pero ganun na lang ba yon? Wala man lang bang pabuya kahit pang-siopao lang?


Joke lang syempre. It pays to be good. Hindi  importante ang reward from other people. What matters is nakatulong ka. At masarap ang feeling nang ganun. That would be all, I thank you.


Moving on, pagbalik ko ng Gate 116, Good thing!  @12:00 PM daw, Lilipad na daw ang aircraft to Iloilo. Napaaga. Eto sure na! Yahoo!! Hello Iloilo!!!! 


Waiting for 12:00 ang eksena....


At dumating nga ang boarding time...Tumayo na ako at pumila. .Habang nakapila ako papunta sa entrance, dalawang Koreans ang lumapit sa front desk ng Gate 116, mula sa kanilang pagpi-picture taking at pag-su-sweet-sweetan sa upuan.


"Ta-bee-lah-run"
What are your names sir?
 "Seung Park Lee, Song Han Kim"


"But I called for your names repeatedly...the plane is already in Tagbilaran."
Thoinks!


Chow!


Bukas na yung Iloilo at Bora trip!

Tuesday, August 16, 2011

On the way to NAIA

Hi Friends! It’s been a while since I posted an entry in my blog. Alam  mo na busi-busihan lately. Lumipat na kasi ng work ang inyong lingkod. Gone is the 8-hour internet job. Wala na ang pagiging FB accountant at Blog analyst. Hindi na ko makapag-blog hop, andami ko nang backlogs sa pagbabasa ng blogs. In short walang internet sa new work ko. Sa bahay kasi, sira ang hi-tech PC.  Anyways, kaya ko naisip magblog ngayon ay uber sa dami ng events ang happy life ko lately. But then, di ko na ise-share lahat dahil baka magmistulang diary ni Tiyo Carlo ang blog ko.
So ayun nga, lumipat na ako ng work for so many reasons. Isa na syempre dyan ang paghahanap ng greener pasture (Ba’t di na lang ako nag-farmer?) Alam mo na, we’re not getting any younger. 25 pa lang naman ako, though others say na mukha lang akong 24 ½ . Lumipat ako sa food industry bilang cook  accounting personnel… Yes! Nasa accounting department na po ako ngayon. You may think that it’s boring and no fun at all. But ah-ah-ah, not for me... Boring ba yung ipadala ka for two weeks sa Iloilo and Boracay? You heard it right. B-O-R-A-C-A-Y. With all those white sands, crystal blue waters, azure skies, beautiful people, and a lot more. Boring ba  yun? Oi hindi ako nang-iinggit ha. Hindi talaga. Hindi. Hindi. Hindi.
So ayun nga, ipinadala ako for an official business trip (O ha, o-f-f-i-c-i-a-l business trip!). This may take two weeks and subject to extension. Ako na!
August 14, Sunday
Dear Diary,
A day before my flight to Iloilo, I and my friends went to Karaoke Hub.  Ansaya-saya. Kahit medyo mahal ang fee. Ok lang, Masaya naman. We sang and sang and sang, just like those college days. After that, umuwi na. I packed my things, I’m ready to go. I’m standing here outside your door.
Love,
 Tiyo Carlo  JAT
August 15, Monday
Flight ko na to Iloilo. Nakalagay sa itinerary ko, 1110H ang flight. Alas singko pa lang, pinilit ko nang gisingin ang katawang lupa ko, mahirap na maiwan ng eroplano no! Oo dapat ganyan kaaga.
Ligo, Kain, ok na. Time check: 6 AM, go na! (Sorry nakalimutan ko, nagdamit muna pala ko.)
All set! Fly na! (Excited lang?)
Sa byahe, Wow! Kumusta naman ang Commonwealth Ave? Punung-puno ng sasakyan ang “killer highway”. Di bale maaga pa naman. Nakaraos sa Commonwealth Avenue. Here comes EDSA. Grabe! Mula Kamuning hanggang Cubao-Aurora, parang may prusisyon, spell traffic kaya? Oh Well, what’s new? Time Check: 7:30AM. Maaga pa. Patience. Patience.
Sa Farmers… Lalong nag-usad pagong. Kinakabahan na ko baka malate ako. Malaking problema pag nagkataon. Pray lang ako na mawala ang traffic at bumilis ang takbo namin. Kakaba-kaba na ang puso kong nangangamba sa yong mga pangako..ohohoh..
Time Check: 8 AM.
Nasa Ortigas pa lang ako. Kinakabahan na talaga ako. Some more prayers. Iniisip ko pa lang ang kakalsadahang Crossing-Shaw, Boni, Guadalupe, Buendia at Ayala, Naii-stuck na ko. More more Kaba by Tootsie Guevarra. Pag nagkataon, ang Trip to Bora ko ay parang kastilyong buhanging guguho.
At tamah! Nothing’s gonna change ang traffic sa mga nasabing kalsada. (Again, Insert Kaba by Tootsie Guevarra Rap Version).
Akala ko sa kalye na ko titira.
But wait, seems like God answered me, nasa Evangelista na ko nang di ko namalayan (teleport?) Nope, honestly, nakaarating ako ng mabilis kahit trafficz. Bumaba na ko at doon nag-taxi. Walang metro si Manong. Kontrata itu. Naku ayaw ng LTO ng ganyan.
Anyway, gusto ko nang makita ang airport. Go! kahit magkano pa yan! (hong yomon!) P250 singil nya. Tinawaran ko ng P200.  Pumayag. Mahal pa rin kung tutuusin pero, “Go na! paliparin mo na tong taxi! Manong Driver!”
Aba! wait, ung dispatcher, isinakay lang ang mamahalin kong maleta sa taxi, humihingi.., pang-kape lang daw. Kahit bente lang daw. Sosyal…ayaw ng nasa sachet. Sayang wala akong dalang Nescafe 3 in 1. Binigyan ko sana sya. Anyway, para makaalis na, sabi ko na lang,
“Ayan na ang bente! Dukha! Hmp!” Joke yan syempre. Binigyan ko na din, tutal P20 lang naman yon, so immaterial, right? (hong yomon talaga! joke)
At ayun, dinala ako ni Manong driver sa NAIA Terminal 3.
Hanggang dyan na lang muna mga Friends ha, humahaba na mishado. Saka natatamad na ko mag-type. Sa next blog ko na ikukwento ang mga kasunod na pangyayari. At kung anong kabutihang-asal ang ginawa ko sa loob ng Airport.
Thanksthanks!

Tuesday, July 05, 2011

Life is Short

Hi Friends! 

Last Wednesday night, bumyahe ako pauwi ng Tarlac to pay my last respect sa aking beloved great grandmother. Tama! great grandmother! Lola sa tuhod ata ang tawag dun sa Tagalog. Lola sya ng nanay ko actually. 

Kilalang-kilala si Lola Piang doon dahil sya na ata ang pinakamatanda sa barrio. Sa huling gabi ng lamay, pagdating ko, andaming tao. Merong mga nagkukwentuhan at nagkakamustahan. Meron ding mga nagsusugal, bumabangka at tumataya. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero part na talaga ng kultura na kapag may namatay don, dapat may saklaan, pusoy, monti, russian, tong-its at kung anu-ano pang sugal.


Madami kaming relatives na dumating. Ini-introduce ako ng mga tita ko sa kanila at sila sa akin. Alam mo naman sa probisya, kahit 5th civil degree of consanguinity pa yan, kamag-anak mo pa rin yan. Ganun ang family ties doon.

Kinalyo ata ang noo ko sa kakamano sa mga hindi ko kakilala pero tiyo, tiya, pinsan, pinsan ng nanay, tiyahin sa pinsan, pinsan ng lola, 2nd cousin ng nanay, lola at lolo ko raw according to my tita. At bilang magalang  at cute ako, bless kung bless naman ako. Nothing to lose. It's nice to know the geneology.

And while being introduced, eto naman ang ilan sa mga questions and comments ng mga kamag-anak (kilala at di kilala) ko:
"Mukhang hiyang ka sa trabaho. Tumaba ka, pero gwapo pa rin." (Kayo na ang payat!!!!!!)
"Sa'n ka nagtatrabaho?"..., "Ang yaman mo na siguro!" (hindi ko pa nasasagot ang question may follow up comment na. Mukha lang po akong mayaman. Pero.......basta mukha lang po akong mayaman hahaha)
" Ito na ba yung anak ni Churva ek ek? Ampogi-pogi namang bata nito" (Salamat po. pinaniwalaan ko po kayo na pogi ako at bata pa ako, pero hindi po ako anak ni Churva ek ek. Kapatid  po yun ng nanay ko)
" Kasanting a bainta-u!" ( Super Like ko 'to. native words yan sa province namin na ang ibig sabihin "gwapong binata". Well sila nagsabi nyan. Gusto ko na talagang maniwala, promise. ) 
O, well, hindi yan ang topic, side kwento lang yan.

Eto na...

Nung nabubuhay pa si Lola, kapag nagpupunta kami ng Tarlac, we make sure na pupuntahan namin agad si Lola Piang sa bahay nya. Magtatampo kasi yun kapag nalaman nyang nandun kami tas hindi kami agad pumunta sa bahay nya. Madalas, tsinelas na kulay maroon na may colorful beads na parang burda sa unahan ang binibigay ng nanay ko sa kanya kapag darating kami. At alam mo naman kapag nagkaka-edad na, nagiging sentrimental. Kahit tsinelas lang yun, we know na ikakatuwa nya yun ng sobra. Nearly 100 years old na sya, pero wag ka, sharp pa rin ang memory nya kahit walang Memo Plus Gold at Gluthapos. Kilala nya pa even yung apo nya sa tuhod na medyo may karamihan na rin. 

Ayon sa nanay ko, kahit nung bata-bata pa daw si Lola Piang, masipag daw talaga sya. Bukod sa mga gawaing bahay, alam nya rin gawin ang mga trabahong panlalake at pambukid. Ayaw na ayaw din nyang nasisikatan ng araw sa higaan nya. Bago pa mag-umaga dapat gising na daw sila, dahil mortal sin para sa kanya ang magpatamad-tamad. Siguro, kung meron man naipasang katangian si Lola Piang sa lola ko (mudrax ni nanay), na ipinasa naman ng lola ko sa nanay ko, na patuloy namang itinuturo ng nanay ko sa akin, ito siguro ang pagiging masipag. I hope matutunan ko hahaha.

The night before the interment, I had a chance to talk to an uncle (pinsan ng nanay ko) while we were sitting in front of the coffin. According to him, Lola Piang took care of them when they were young. Nine lahat silang inalagaan ni Lola mula panganay up to the youngest. Buong buhay nya, since birth ay nasa tabi na nila si Lola. At nung magkasakit naman si Lola, andun naman sya sa tabi nito. Kaya naman masakit sa kanila na wala na siya. Parang hindi pa nga daw sya makapaniwala. But then, I think accepted naman na nya. He knows that our lola is not young anymore.

Kinabukasan, araw na ng libing. This was the hardest part. Nakakalungkot talaga when someone you love passed away. Nakakalungkot isipin na yung unifying factor namin magkakamag-anak ay wala na. Sa part ko pa lang na hindi naman sya nakakasama ng madalas, e malungkot na. Paano pa kaya sa mga talagang malalapit sa kanya? Pero ito ang batas ng buhay.

We are not in this planet forever. We are but aliens here. Hindi natin alam kung kailan, saan at sa kung paanong paraan tayo lilisan. Bagamat maiksi lang ang buhay, we should rejoice we have it. We must live it to the fullest and with no regrets. 

In the end, masasabi natin, it was a life well-lived.





Friday, June 24, 2011

Mahal Pa Rin Kita

Hi Friends! A week ago, naisipan naming mag videoke ng mga officemates ko. Actually matagal na rin namin itong plano, na palaging nauuwi sa drawing.

Gan'to yun, Nanglibre ng dinner sa Sisig Hooray si Kate. Remember Kate?, ang major sponsor ng aming Bicol escapade?. Nang pauwi na kami, napadaan kami sa World's of Fun. Tatlo lang kami kasi nga hindi naman ito planado. At dahil sabik sa videoke ang officemate naming si Rose, oo sya lang ang gustong kumanta (at kumulog ng malakas!). Fine! dahil gusto naming kumanta, tuloy ang videoke.


At bilang part ng aking unang album, ito ang carrier single ko. Sadyang hindi tinapos ang video para may bitin factor. (Weh?). 

Si Kate ang back up ko dito, habang si Rose ang may hawak ng video. At syempre ako ang singer (?) nyahaha. Pasensya na muna sa video quality ha.. 

Ayokong i-upload ito sa Youtube, bka maging next singing sensation ako. I'm not yet ready for fame. Watch out Justin and Charice! Wahahaha...






Sige lang, laitin mo lang. May araw ka rin.



Papa Jack's

"  There will be someone in your life that will make your day seem brighter even without doing anything, just by being in your world."   -Papa Jack

Wednesday, June 22, 2011

Si Jeffrey at si Elmer

Sa tuwing wala akong maisip na ikwento sa blog ko, iniisa-isa ko ang mga friends ko at iniisip kung kaninong talambuhay ang pwedeng ilahad. Like what I did with Beverly and Tiffany. Kung naka-log-in ka sa FB, Click here.  And this time, my High School buddies Elmer and Jepoy are my chosen subjects. Humanda kayong dalawa.


Let's begin with Jeffrey, aka Jeff aka Jepoy aka Balot. Andami nyang a.k.a. 
Jeffrey

Jeffrey is one of my best buddies in HS. Wala akong idea nung una na makakasundo ko sya. We don't have the same interests. Mahilig sya sa computer games, ako hindi. Mahilig sya sa sports, ako hindi. Mahilig sya uminom, ako hindi.  Mahilig sya sa... basta mahilig sya, ako hindi.
As the saying goes,  
"Friendship is not always finding similarities but enjoying each other's differences."
 Wait lang, may ganyan bang saying? Sorry naman kung wala.


Nung nasa hayskul kami nila Jepoy, he was the smallest in the class. Palaging first in line sya kapag "find your height" ang pila. Minsan, nalulungkot at nagsasawa na rin sya na palaging ganito. Pero wala naman syang magawa. Gusto kong i-comfort sya ng,
 "Ganyan talaga ang buhay. Wag kang malungkot. Mauuso rin ang pampatangkad."
Kaya lang mahirap na. Matampuhin kasi ng slight si Jepoy.

Nakasama ko si Jepoy sa training sa COCC. Matikas tong si Balot kahit "below 5 feet" ang height nya (in-empasize ko raw talaga). Pag sinabi ng officer na "Tikas Na!", ay! sabi ko sayo, walang galaw-galaw yan. Pag sinabing "Patakda, Kad!" siguradong march in cadence si Balot. With grace and rhythym. Bawal matamlay. Bawal lousy.

Si Jepoy ang dictionary ko when it comes to I.T. matters. High school pa lang kame, computer wizard na sya at siguradong Nursing BS Com Sci ang magiging course nya sa kolehiyo. Magaling sya talaga. Nahihiya nga akong tanggapin ang Computer literacy award nung hayskul dahil alam kong mas karapat-dapat sya sa award na yon. Eh, ano namang magagawa ko, alangan namang mag speech ako sa stage at sabihin..." Ibibigay ko na lang po ang award kay Jepoy", with matching luha on the face. Hindi naman pwede.

In person, mukhang makulit 'tong si Balot. Mukhang hindi papahuli ng buhay. Mukang pasaway, in short. Pero only few people know na sentimental itong si Balot when it comes to friendship and family matters. Mabait syang friend. Naaalala ko pa nga yung sinulat nyang message sa kartolina na pinapirmahan ko sa mga kakalase ko before graduation. Sabi nya,
 
"HapP!3 Gr@du@+i0n! C0ngR@tul4+!On$! to Y0u!!!" ,   Kaka-touch noh?


Joke lang. Hindi pa uso ang Jejemons nun. Basta madrama ang message nya. Sa sobrang drama, naluha ako, muntik kong maipampunas ung kartolina.

After high school, matagal-tagal rin kaming hindi nagkita ni Jepoy, (mga 5 days, joke) kahit malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Siguro dahil naging busy na rin kami sa kanya-kanyang buhay after HS. Sya busy sa gf nya, ako busy sa showbiz life ko. Chuz! 

Ayun nga, long time no see kaming magkakaibigan. One day, nagkasundo kaming magmeet and greet ulit. Parang reunion, ganun. Kwentuhan, tawanan, asaran, just like the old days. Nakakatuwang makita ang mga friends ko nung high school. Nakakagulat ang pinagbago ng iba. At nakakagulat na makita si Jepoy,... na mas matangkad pa sa'ken. Anak ng tokwa! mukhang nagpatuli na inubos nya ang stock ng Cherifer at Growee sa supermarket. 

Sya na ang matangkad!

Next is Elmer.

We were HS sophomore nung maging kaklase namin si Elmer. He was the silent-type, witty-looking student at first. Mukhang mahirap biruin at seryoso sa buhay. I was wrong. I never thought na mapapabilang sya sa circle of friends ko.

Elmer
Elmer is friendly and kind pala. Kaya lang, he's so maarte, daig pa ang babae. Sobrang vain ng lolo mo. Maarte sa pagkain. Maarte in all aspects. 

Lagi syang late sa klase dahil lang sa di sya makaalis ng bahay kung hindi ayos na ayos ang buhok nyang wavy (wavy lang daw hindi kulot according to him). I repeat, "ayos na ayos". Hindi pwedeng "ayos" lang. Dapat "ayos to the 2nd power". Ganyan sya kaarte. Part din ng necessities ng buhay nya ang salamin. In fact, mas importante pa ito kesa sa notebook nya sa Social Studies at Physics.

Maarte rin sya manamit. Pag may lakaran ang tropa, late sya lagi. At pag dating nya, dapat sya lang ang maporma. Nag-eefort talaga. Pero in fairness to Mer, magaling talaga sya magdala ng damit. Pag suot nya ang damit na galing Baclaran, nagmumukha na itong galing Divisoria SM San Lazaro.

Magaling din sa computer si Elmer like Jeffrey. Quite artistic din sya at magaling mag-mix and match ng kulay. Hindi yan papayag na hindi maganda ang project nya. Dapat mas mataas ang grade nya sa'kin kung arts ang usapan. Hindi pwedeng walang hahanga sa project nya, dahil ikakatampo nya yun.

Hindi man nya sadyain, chances are, may mag-iisip na maangas at mayabang sya. I'm not saying na mayabang at maangas sya. Strong lang talaga ang personality nya. Silent sa una, pero makulit as time goes.

Kung gusto mo namang makasundo si Elmer, just say the magic words...
 "Ang cute mo."
o kaya naman,
"Kahawig mo si Jericho Rosales."
Ikakatuwa nya yan ng sobra. Pero wala kaming sinabi isa man sa mga yan. Baka isipin nya totoo. Pero dahil di kayo magkakilala, I'm sure, after mo sabihin yan, friends na kayo. Uhaw sa papuri si Mokong. Wahaha.


Madaming hangin minsan sa katawan 'tong si Elmer, but if I would describe his characteristics, I would say na magaling sya makisama sa kaibigan at mabait naman (oo! may naman). Hindi sya masyado makwento about his sentimental side, pero mahahalata mo agad pag malungkot sya. Makulit sya at magaling makisalamuha sa iba. Mahilig syang uminom, kaya palagay ko, 50% ng liquid sa katawan nya, e, alak.


Kelan lang, nagpunta sya ng Macau at nagbalik Pinas after few months. Pagbalik nya sa Pilipinas, imbes na mangamusta, inuman agad ang banat nya (e hindi naman ako umiinom). Pero hanggang ngayon, nakaschedule pa rin ang get together namin magbabarkada. Hindi na matuloy-tuloy.


To Jeff and Elmer, buti naman at magkasundo na kayo. Alam kong ako ang nagsabing kalimutan na ninyo ang naging away nyo. Pero naalala nyo ba na isang taon kayong hindi nagpansinan dahil lang sa isang card ng Hunter X Hunter? Hahaha... See you soon, guys! Ituloy na ang get-together na yan!


Oo, ganyan si pag nakakakita ng camera, nag-eemote.



"A man of many companions may come to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother."
-Proverbs 18:24 NIV


Tuesday, June 21, 2011

Chunli's Ebs Story

At muling nagbabalik si Chunli. Ang classmate ko nung college na paulit-ulit na niloko ng kanyang Ryu? Kung inaakala mong puro kadramahan ang buhay nya, nagkakamali ka. Paminsan- minsan may shot of humor ka ring makukuha sa kanya.

This is just a fiction. Promise, fiction 'to. (weh?)

Nakasama ko in the same company si Chunli, sa second work ko. At bilang part ng pre-employment requirements kailangan maipasa ang medical exam. 

Hindi alam ni Chunli ang papunta sa clinic na recommended ng company. At bilang matulungin at uber cute friend, nag-volunteer akong samahan sya.  Kine-claim nya kasi parati na mahina sya sa Geography, lalo na sa Metro Manila. So provincial, right? (Joke!)

Chunli is fully aware na kailangan ng urine at stool (ebs) sample. Pero since malayo ang haus niya sa clinic na yon, she  decided na dun na lang sya sa clinic eebs. Syempre nga naman, baka sa tagal ng byahe, kung sa haus pa galing yon e ipauwi lang din sa kanya, dahil expired na (expired?) or nakakamamatay na talaga ang smell.

Nung kailangan na nya magpasa ng stool at ebs, nagpunta na ang Chunli sa CR. Nasa bandang likod ng clinic ang CR kaya wala masyadong tao. 

After half a decade, lumabas din sya sa wakas. Paglabas nya, sterelized bottle lang ng urine ang may laman. Hindi daw sya ma-ebs. (Mukhang kasalanan ito ng Lakatan). Nakiusap sya sa attending personnel kung pwedeng later na lang daw. Pumayag naman.

I dont know what to say kay Chunli that day. So I suggested na magfood trip kami baka mawala ang constipwetpation nya. Tamang-tama, may nagbebenta ng taho. Bumili kami ng taho. Tapos sa tindahan bumili kami ng Sugo, Happy, Dingdong, Choco stick, choco-choko, Corn Flakes, at kung anu-ano pa para lang kumulo ang tyan nya. She even bought Chocolait and coffee.


Tapos non, pumunta si Chunli  sa CR once again para sa tagumpay. Ang tagal nya. Naiinip na ko. Inisip ko, baka hinigop na sya ng toilet bowl. Baka lumabas na si Undin.  Para na akong tatay na nag-aantay sa labas ng delivery room sa sabihin ng doktor na


"Congratulations! it's a boy! Tao po ang lumabas." 


Ang tagal nya talaga sa loob. Pwamise!  Kinatok ko na sya (ng may poot) at binigay ang gintong aral...

"Himas-himasin mo yung baba mo para matae ka!" (sorry for the word)

Buti na lang walang nakarinig. Hindi ko maisip kung anong connection ba meron ang pwet at baba. Narinig ko lang kasi yon sa isang kakilala habang sinasabi sa isa pang kakilala. Wala naman mawawala kung susubukan. Tutal desperado na.

Tumunog ang door knob.

Ayan na. Ayan na si Undin sya!


"It's a boy! It's a boy?!"



Pagbukas ng pinto, lumabas si Chunli.


Butil-butil ang pawis sa noo.


Umiiling.


(Long silence.)



Awang-awa ako sa kanya. Mukhang hapong-hapo at pagod na pagod na sya. If I could only share my ***. Yuck!


We decided na umuwi na lang at babalik na lang sya kinabukasan. Malungkot na malungkot sya, Ate Charo.










Hindi man lang daw nakisama ang pwet nya.







Friday, June 17, 2011

Accountant Jokes

I was surfing the net nang makita ko tong mga jokes na  'to. Ang hindi maka-gets , slow. Hehe.


Here.




There once was a business owner who was interviewing people for a division manager position. He decided to select the individual that could answer the question:


"how much is 2+2?"


The engineer pulled out his slide rule and shuffled it back and forth, and finally announced, "It lies between 3.98 and 4.02".


The mathematician said, "In two hours I can demonstrate it equals 4 with the following short proof."


The physicist declared, "It's in the magnitude of 1x101."


The logician paused for a long while and then said, "This problem is solvable."


The social worker said, "I don't know the answer, but I a glad that we discussed this important question.


The attorney stated, "In the case of Svenson vs. the State, 2+2 was declared to be 4."


The trader asked, "Are you buying or selling?"


The accountant looked at the business owner, then got out of his chair, went to see if anyone was listening at the door and pulled the drapes. Then he returned to the business owner, leaned across the desk and said in a low voice, 
"What would you like it to be?"


 Galing Here.




Eto pa'ng isa:


What’s the definition of an accountant? 


Answer: Someone who solves a problem you didn’t know you had in a way you don’t understand. 




 Galing Here.








Wala lang. Update lang hehehe....

Thursday, June 16, 2011

Silvertoes

"It's easy to fall in love. The hard part is finding someone to catch you." -Bertrand Russell

Wala lang. Gusto ko lang mag-share ng quote, baket?. Wala akong maisip na topic na ikwento for today kaya naman, naghalungkat ako sa kasuluksulukan ng aking inbox at kung saan-saan para makahanap ng scoop. Hanggang sa makarating ako sa.... charan... sa makapangyarihang YM.

Na save ko pala ang ilan sa mga  conversation namin ng isa kong friend. Si *%&@#!^. Let's call her "Gurl" na lang.  Parang blind item. hahaha. Kelangan kong itago ang name nya dahil baka hindi na nya ko kausapin (as if I care! joke!). So ayun nga. Si Gurl ay isang dalagang Pilipina, very loving daughter at ate, mabait  at hardworking, pero napakaraming issues sa buhay. For now, dun muna tayo sa isang issue nya. Ang lovelife.
 
Enter Issue: Lovelife

Gurl is a certified single since birth. No experience at super innocent pa ,according to her. Every now and then nag-kukwento itong si gurl na gusto na nyang magka-boylet. Pero sadyang mailap ang kapalaran kay Gurl, Ate Charo. Single pa rin ang FB status nya. Single and complicated.  

But one sunny day, surprisingly, she found herself head over heels sa isang guy working in the same Company where she works. Na tatawagin nating Boy. (ang creative ng codenames noh?) Araw-araw ay nakikita nya si Boy at nakaka-usap dahil sa business transaction. According to her, gwaping ang Boy  at mabait daw. (Sinearch ko nga sa FB ang name) .Pak !Pak ! Bingo!  Profile found. Oo nga. Mukang mabait nga at mukhang magpapaiyak ng madaming babae si Boy. May potential maging heartbreaker. Pero kebs kay Gurl. Love nya na daw si Boy. And everyday the Love grows stronger.  Oo may ganun!

She has done a lot of effort para mapansin ng kanyang prospect. As in nagpaganda to the highest level. 

Ang mga mata, may pag beautiful eyes hanggang maduling. 
Ang lips, in bloody red at greasy palage.  hahaha
At ang hair, pang-shampoo commercial. Kabog ang hair ng Kim Chiu. Hinotoil, shinampoo at pina-rebond kahit di nakapag-asawa ng mayaman.

Kinareer na lahat ni Gurl. Muntik nya pang subukan ang effectivity ang gayuma. Kaso out of stock daw sa Quiapo.

Ang resulta? Wala. Laos. Such a loser yaya. Sawi pa rin ang drama ng buhay nya. Kung hindi ba naman ambisyosa, isa syang talangka na umibig sa isang lobster. Hahaha. Wala akong maisip na comparison. Ah basta! yun nga, kumbaga sa avid fan, nainlove ang lola sa matinee idol nya. Pero nanatiling fan-idol ang relationship nila. Hindi naman kachakahan ang Gurl. Nagkataon lang na may karakas ang Boy at mukang may iba ring type.

In the end, friendship lang ang kayang i-offer ng Boy.  No more. No less. Far from being romantic.
 
Pero ang Gurl, "Never Surrender" ang motto. (Insert Umaasa by 6 Cycle Mind). Tuloy ang pagsintang pururot nya kahit palihim. Sapat na kahit ang One-Way love affair para sa kanya. At para sa kanya boyfriend nya si Boy. Kahit sya lang ang nakakaalam. 

One day habang papalapit si Boy, kinantahan daw sya ng "If we fall in love". She thinks na para yun sa kanya. Na-confused sya.

The next day, lalong na-confused ang Gurl. Confused na confused. Akala nya si Boy me gusto din sa kanya. Sukat ba naman syang yayain sa apartment na tinutuluyan ni Boy.  Napilitang  (napilitan?) sumama ang Gurl, na teary-eyed pa ang kaliwang mata sa tuwa. 


Sa isang bahay. 
Si Boy.
Si Gurl. 
Naganap ba ang pwedeng maganap?







Secret.
 .
 . 
 .
 .
 .
.
.
.

Hindi. Walang naganap kundi kwentuhan at friendly kiss (friendly for Boy, I don't know for Gurl). Andami kayang tao sa bahay. Pero it was more than a conversation. It was something magical daw (magical?) Akala nya itu na ang katuparan ng kanyang mga panaginip every Thursday night. Akala nya magkakaboylet na sya. Akala niya nahulog na rin si  Boy sa kanya. Halos ibigay na nya ang matamis nyang "Oo" kahit hindi tinatanong.  Ayun! lalo lang sya na-confused dahil walang confirmation mula kay Boy. 

Assumerang palaka.  

(Insert In My Dreams by Reo Speedwagon).  

Hindi pa rin clear sa kanya kung type sya ni Boy. Gusto sya ni Boy, wishful thinking nya. Pero minsan, paasa, pa-fall lang si Boy. Paparamdam daw nyang gusto sya nito tapos, biglang di magpaparamdam. Pero asang-asa na si Gurl. Asang-asa.

Matapos ang kwentuhan scene sa apartment, they talk again, meet in the office again. Just when she thought everything will fall into places, nabalitaan nyang may new gf na si Boy, na officemate din nila. (Insert Aray by Mae Rivera). Lalong nadurog ang puso ni Gurl.

Nalungkot ng bunggang-bungga ang Gurl. Pag-uwi nya, umiiyak sya .Napasandal sya sa aparador at dahan-dahang nag-slide pababa habang nakataas ang kaliwang kaway, habang tumutugtog ang kantang "Silvertoes" ng Parokya ni Edgar on the side.

Kinuwento nya sa akin ang mga nangyari. Wala akong ibang nasabi sa kanya kundi...

 "miss miss pakitigil lang please
ang iyong pagpapantasya
hindi ka na nakakatuwa
papagulpi na kita sa gwardyang may batuta"

"It's easy to fall in love. The hard part is finding someone to catch you."**






**joke lang di ko yan sinabi... sabi ko sa kanya,  

"Kalimutan mo na sya. Penge na lang ako ng  picture mo,  papakita ko kay Ei, yung ipapakilala ko sayo."

Na-excite agad si Gurl. At nagpadala ng picture. Eto oh,



















Ikaw na ang pumose ng ganyan!




ThnxBye!

Wednesday, June 15, 2011

Horoscope

Hi Friends! Sa araw na ito, narito ang inyong kapalaran.


Capricorn: (Jan. 20 - Feb. 16)-Magiging maganda ang buong araw mo kung sisimulang itapon ang lahat ng salamin sa bahay nyo. Iwasang tumingin sa baso o sa anumang may reflection. Malas. Lucky Number: 0. Lucky color: Magenta.
 

Aquarius: (Feb. 16 - March 11) Huwag munang makipagbati sa girlfriend. Kaka-sweldo mo lang, baka magpabili sya ng kung anu-ano. Lucky Number: 534. Lucky color: Dark Black.

Pisces: (March 11- April 18)- Maswerte ang araw na ito para sa'yo. Secret kung bakit. Lucky Number: 117. Lucky color: fusha fushea Red.
 

Aries: (April 18- May 13)- Huwag munang magload today. Mahina ang signal sa pupuntahan mong lugar. Sayang ang unli. Lucky Number: 3.14. Lucky color: Red, White and Blue.
 

Taurus: (May 13- June 21)- Hindi ka maswerte sa araw na ito dahil hindi ka Pisces.Wala kang lucky color at lucky number.

Gemini: (June 21- July 20)- Mag-isip-isip muna ngayong araw at i-isolate sandali ang sarili sa iba. Ituloy ang balak na soul searching. Makakabuting pumunta sa Spratly Islands at wag na bumalik. Lucky Number: 718291. Lucky color: brownish yellow.
 
Cancer: (July 20- Aug. 10)- Mabuting magsimula ng business ngayon. Patok pa rin ang food business gaya ng asin at Magic Sarap. Lucky Number: 5-6. Lucky color: blue violet.
 

Leo: (Aug. 10- Sept. 16)- Magtipid sa paggastos. Hindi habang buhay malakas ang benta ng yema at pulburon. Lucky Number: 15.75. Lucky color: golden yellow, O ha!.
 

Virgo: (Sept. 16- Oct. 30)- Huwag mo munang ituloy ang balak na pakikipag-break sa jowa. Remember, swerte ang  Pisces ngayon. Ikaw rin baka tumama sya sa loto. Lucky Number: 0.25. Lucky color: pink and purple, so kikay.
 

Libra: (Oct. 30- Nov. 23)- Iwanan na ang syotang feelingero. Hindi ka mahal nyan. Katawan mo lang ang habol nya. Oo, tama, cannibal sya. Lucky Number: 100. Lucky color: Penk.
 

Scorpio: (Nov. 23- Nov. 29)- Wag dibdibin ang research paper mo. Wala ka namang dibdib. Pasasaan bat itatambak lang yan ng prof mo sa faculty room. Hindi nya yan babasahin, pustahan. Lucky Number: 5.00. Lucky color: Maroon.
 

Ophiuchus: (Nov. 29- Dec. 17)- Ang arte ng name ng Zodiac sign mo, parang ikaw. Ituloy ang balak na pangingibang bansa. Grab the opportunity. Sale pa rin ang plane ticket to Afghanistan. Lucky Number: 12345. Lucky color: Periwinkle.

Sagittarius: (Dec. 17- Jan. 20)-Alam kong excited ka. Pero itigil muna ang balak na pagpapakasal sa araw na ito. Malas ang groom mo dahil Taurus sya. Lucky Number: 0939403****. Lucky color: pink and purple, so kikay.


At ayan ang ating horoscope for today. Tandaan: Hindi hawak ng bituin ang ating kapalaran, ine-echos ka lang nila. Hindi ako naniniwala sa Horoscope o sa numerology. Pero kung gusto mong paniwalaan ang nasa itaas, ikaw ang bahala, as if I care. Jouk!.



Tuesday, June 14, 2011

Si Chunli

Sumakay ako ng FX kanina on my way to MRT. Oo nag-e-MRT ako! Ikaw na may kotse hmp! Tumitingin-tingin ako sa daan habang tumutugtog ang kantang "Weak" ng Freestyle... Wala naman talagang bearing 'tong kantang to sa akin, naalala ko lang ang isang friend ko, na itatago natin sa pangalang, hmmm Chunli na lang.


Flashback! Now na!
 

Favorite kasi ni Chunli ang kantang to. Everytime na magbe-break sila ng boyfriend nya, ito ang kakantahin nya sya videokehan. I said "everytime" dahil ritual na ito. Twice or thrice a month ata sila nagbe-break ni Ryu (codename yan , pwamise!) nung college. After non, paninindigan na ni Chunli ang "I get so weak on the knees, I can hardly speak I lose all control..." dahil konting suyo lang ay kinikilig na ang Chunli na 'kala mo e, 24 inches ang waistline at hanggang Cubao ang buhok nya.

Away-bati talaga sila ni Ryu. Kahit sa petty things.

Mabait naman ang Chunli pero medyo maingay. Mahal na mahal nya si Ryu. Ang Ryu naman hindi advocate ng daang matuwid. Ayaw ni P-Noy ng ganyan. Laging may extra-curricular activities to the left. In short, nangangaliwa. May pagka-detective pa naman 'tong si Chunli. Ang lakas ng radar kapag kumakaliwang landas ang Ryu. Nagtataka na nga ang Ryu kung saan kumukuha ng info ang Chunli.

One time, nakipagkita ang Ryu sa isang girl. Ang layo-layo ng meeting place nila. As in wala nang mag-aakalang doon sila mag mi-meet sa Harmony Homes, Bulacan Tuguegarao, Cagayan. Halatang nagtatago. Kamuka't-mukat, nakarating pa rin kay Chunli mula sa isang reliable source. Kita mo nga naman. Andaming galamay ng Chunli.


Hindi pa naman alam ni Ryu ang rules.


Rule #1: Wag papahuli.
Rule #2: Pag nahuli, wag aamin.


Laging umaamin ang Ryu. tsk! tsk!

After that incident, as usual, videoke na naman kami. Bagong kanta ang pinili ni Chunli. Erase na ang "Weak". Press na si Chunli ng # 233784. At lumabas ang

"Sometimes Love Just Ain't Enough"

 ni Aling Patti Smith. Buong giting itong kinanta ni Chunli with matching luha sa kaliwang mata. Mabuti  na lang at walang ref sa tabi nya. Baka kasi sumandal sya habang dahan-dahang nag-i-islide pababa.

Akala ko don na nagtatapos ang lahat. Akala ko wala na ang Ryu-Chun love team. Mali! dinalhan lang ata sya ni Ryu ng ensaymada, balik sa "Weak" ang theme song ng Chunli.

After that, to the left, to the left na naman ang landas ni Ryu. Nagmagandang loob naman syang mag-explain.  According to him, e textmate lang naman itu at nothing romantic. Pero syempre, knowing Chunli, hindi uubra ang ganyang statement. Yari na naman ang Ryu.

For the Nth time, according to Chunli, it's over. "I love you Goodbye" na daw ang favorite song nya. Of course, walang naniwala.

At tama kami! days after, sila na ulit.




And they repeat the cycle over and over again.



Pero oops! hindi laging ganyan ang eksena. Napagod na rin si Chunli. Nalaman nyang muling nagkaron ng communication si Ryu at ang babae sa Harmony Homes, Bulacan Tuguegarao, Cagayan. At hindi na ito kinaya ng bilbil puso ni Chunli.

Umiyak sya. 

Umiyak nang umiyak.


Pero hindi nagtagal, sa tulong ni Lord, tuluyan na nyang nabitawan si Ryu. Hindi na sya nagpadala sa ensaymada. Wala nang spark ang "Haduken". Wala na ang "Weak". Erase na rin daw ang mascular arms at bigote black belt ni Ryu. Wala nang Ryu-Chun love team.


Months after, umuwi si Chunli sa probinsya, nagmuni-muni, nag-emote. Sa gitna ng lungkot,  nakita nya si Ken. Dati nyang manliligaw si Ken. Masugid pa rin ito at masigasig. May babuyan pagmamahal pa rin sa kanya. 

Di nagtagal, binigyan nya chance ang matagal nang umaasang si Ken, na bagamat hindi kasing bright at mascular ni Ryu, mas mabait at faithful naman daw. Masaya na ang Chunli at kayang-kaya na uling mag flying kick. Nakuha pa nga nyang magpa-rebond ng hair e.





Paminsan-minsan kinakanta nya pa rin ang "Weak" sa videoke session namin. Pero this time, wala nang luha on the left cheek. Wala nang bitterness. Wala nang lungkot. She recovered.






At Ikakasal na daw ang Chunli.





Wag daw akong mawawala sa event na yon. 







Dahil ako ang kakanta! (Jook!)







ng bago nyang favorite...





"On This Day"  ni Mang David Pomeranz.








"I can't explain why your lovin' makes me weak..."






This is 3% fiction hehehe.

Keep aiming high

Keep aiming high.  Nakakatuwa lang 'tong video na 'to. Nakaka-inspire.

Monday, June 13, 2011

Ang Winner na Love Letter

Sawa ka na ba magmahal dahil lagi kang nasasaktan?

Pinagpalit ka ba ng syota mo sa mas payat at mas maputi ang siko?

Masakit na ba sa pakiramdam pero hindi mo alam kung paano sasabihin?

Hindi mo pa ba maisip ang mga salitang dapat bitawan?



Pwes! Eto na ang hinihintay mo.

Nagba-backread ako sa isang blog nang makita ko tong pic na to.

Wala lang ang cute lang hahaha.





Galing Here.


Fill in the blanks na lang. Fill-up mo na!

Naka-green ba 'ko?

Alam kong medyo may kalumaan na 'to, pero share ko na rin.


Textmates...

Boy: Meet tau.

Girl: Sige. Saan? Kelan?

Boy: Sa Trinoma. Sa taas, sa may Carousel. Tomorrow 7 PM.

Girl: Sige. I'll wear pink.

Boy: I'll wear Green.

Kinabukasan, dumating si Boy sa Trinoma na wearing "RED". Nakita nya ang isang mataba at maitim na babae na naka-pink. Tumalikod si Boy para hindi makita ni Girl.

Girl: (lumapit kay boy). Ikaw ba yung ka-textmate ko?

Boy: Heller? Naka-Green ba 'ko?

The Bicol Experience Part Two

I know, I know, natagalan bago nasundan ang Part One ng aming Bicol Experience. Sorry naman, medyo naging busy lang lately. (Busy?????). Basta saka ko na eexplain.

Friends and countrymen, Behold. Lemme present to you, the second wave of our adventure in Bicol!



The Caramoan island hopping day is fun. However, humihina rin ang katawang lupa namin, kaya naman ang next stop, diretcho na sa haus ni officemate na syang major sponsor ng Bicol Trip na itu. Tama! Si Kate nga.

According kay Kate, "mabilis" na lang ang byahe from Sabang Port to Guinobatan, Albay. Of which, we believed.  Di ko naman inakala na aabutin pa pala ng dalawa't kalahating oras ang "mabilis" na yun. Kala ko walking distance na.

Nakatulog ako sa sasakyan dahil sa pagod. Wala na kong paki kahit ngawit na ngawit na ang mga tuhod kong naka fold. Basta inaantok na ko. Hindi ko namalayan na...

Charan! Nandun na pala kami sa bahay nila Kate.

Ay! sabi ko sayo, pagbaba ko ng sasakyan... isang malaking bahay ang tumambad sa aming harapan. Susyal na susyal ang nagsusumigaw na fussia pusha   pink color nito from head to toe. Yes! kulay pink ang bahay. So kikay, right? Ang ganda at ang laki.

Hindi pa man din ako nakaka-recover sa pagka-amaze sa naturang tahanan, sinalubong na kami ng mother ni Kate. Very hospitable and accomodating. Niyaya agad kami sa hapag-kainan, para lumamon makakain.

When I say makakain, I really mean mabundat. Ang daming foods. Para kaming mga patabaing baboy. I dunno what to pick. May home-made embotido,( na uber sarap), Bicol Express, sweet and sour, at ska...basta madameng-madame pa.

Hindi lang bongga, Fiesta!

At dahil mahina ang katawang lupa ko, natukso akong kumain ng madami. Makabawi man lang sa 13 hours na byahe. And the food was good.

Sincerely, we felt welcome. Kate's mom was very kind. Right after dinner, she even told us na may pagkain pa sa ref na nasa tutuluyan namin kwarto. I was full that night. Pero I can't help it. Nilantakan pa namin yung chocolates, fruits, etc. sa ref. Nakakahiya kayang tumanggi. Baka sabihin choosy kami. Sinabing kumain, e di kumain. Ang dali ko kaya kausap. Then, natulog na kami.

Kinabukasan, si Kate ang naging official tour guide. A strict tour guide. Sinabi nyang alas-otso kami aalis,  8AM  empunto lumarga kame. Pero bago mag alas otso, ginising na kami para sa aming breakfast. And again, andaming pagkain. Mukang may galit ang pamilyang ito sa ulcer. Bawal ata ang magutom sa haus nila.

Matapos ang breakfast. Kate took us to Kawa-kawa Park.



Mabuti na lang at we are on our slippers. Dahil aakyatin pala namin ang hill na ito. Nakakapagod. Sa taas, May stations of the Cross, butterfly house, horseback riding at obstacle course. Famous ang place dahil walang hilltop ang burol na ito. Yes! Parang coliseum ang tuktok.

Nung nasa may itaas na kami, we saw the picturesque view of mountains, plains and bodies of water. It was just beautiful. We have felt serenity and tranquility. We were fascinated by the view. We were caught unprepared for this kind of beauty that the nature will show us. Ok, OA na. basta.., Ang Gandah!


And that's Kawa-kawa Park.

After the tiring but enjoying hill climbing, we went back to Kate's House. Naligo lang kami at nagpalit ng damit. Mabilisan dapat dahil remember, strict ang aming tour guide. Hindi na kami nag-lunch dahil sa house ng Tita daw ni Kate kami manananghalian. At as usual, masarap pa rin ang food. Hindi ko alam ang name ng kinain naming pork dish, basta masarap. Meron ding ampalaya na masarap pala pag nilutuan ng gata. Dun namin sinundo si Cindee (cousin ni Kate) na magpapasa-load sa akin mag-gaguide sa amin on our way to Mt. Mayon. You got it right. Mt. Mayon. The famous perfect-coned Mayon.

Sa daan pa lang, manghang-mangha na kami sa ganda ng Mayon. Justified na justified ang pangalan nya sa itsura nya. Mayon's name was derived from the Bicol word, "magayon" meaning "beautiful". Kaya naman pala gandang-ganda dito ang mga tourists, both local ang foreign.

Ako na! ako na ang travel blogger!

Eto ang ilang pics ng Mt. Mayon, the pride of Bicolandia:





  
Ang ganda di ba? Go na sa Mayon and see it for yourself. Mamamangha ka for sure.

Naku! Baka gawin akong secretary ng Dept. of Tourism ni P-Noy.

Just when I thought that we've seen all what Bicol could offer, Cindee and Kate took us to Lignon Hill. Hill na naman to, meaning aakyat na naman kami ng pagkataas-taas. And I was right. Umakyat na naman kami. Kapagod.



Pero nang marating na namin ang tuktok ng Lignon Hill, no regrets. Face to face na itu with Mayon Volcano on one side, and the view of the whole Legaspi City, Albay on the other side. It was just breath-taking.  God made it beautiful.


Nakakapagod. Nakakauhaw. But it's worth it.

Akala ko uwian na. May next pa pala kaming pupuntahan, ang "Embarcadero." Para s'yang mall sa seaside. May zipline na sobrang haba at Go-Kart.

I was hesitant at first. Parang nakakatakot kasi mag Go-Kart. Natatakot ako baka magalusan ang balat kong pang-mayaman chuz!. Pero later, na-realized kong mukang masaya. Kaya naman pumirma na rin ako sa waiver at sinubukan ang Go-Kart. Ang cute cute ko sa suot kong protective gears.


Notice the alambre na nasa unahan ng kart. Ayan ang kinakatakot ko, baka makalas sya in the middle of the track. Thank God at safe ko namang natapos ang 2 lapses.

After that, we bought some siopao, na instead na siopao sauce ang nilalagay, e ketchup. Pero masarap naman sya at nakakabusog. Then, we went home na. 

Pahingang konti.

Then, kain ng dinner.

Tapos non, we packed our things na para bumalik ng Manila. Nagmamadali kami kasi according sa PAG-ASA, may low-pressure area daw na namumuo malapit sa Bicolandia. Baka ma-stranded.

There you go kids, ang second wave ng aming Bicol Tour. 







Di man lang ako nakapag-uwi ng laing.