Friday, September 02, 2011

Iloilo

At sa wakas, narating ko din ang Iloilo.

Mula sa airport, sinundo ako ng isang employee din ng pinapasukan kong kumpanya. At dahil hindi pa ako nanananghalian, pinakain nya muna ko ng Bachoy. Hindi ito ang authentic na La Paz Bachoy, pero nevertheless, masarap pa rin naman sya.

I stayed in Iloilo for about a week. At during my stay there, maraming bagay ang maganda sa Iloilo na nagpangiti sa akin ng bunggang-bungga. Here's the list.

1. Mababait at masasayang tao ang mga nakilala kong Ilonggo. Kahit nahihirapan sila sa workload nila sa office, they manage to wear a smile on their faces. They laugh hard at enjoy kasama. Hospitable din sila sa mga dayo. They'll make you feel at home.

2. I love the Hiligaynon dialect. Sa lahat ng narinig kong wika, eto na yata ang pinaka-pleasing sa ears. Ilonggos speak at their sweetest tone. Alam mo yun yung tipong galit na, hindi pa halata. Even sa pagpara sa jeepney, you would notice their soft tone. They also called their fellow Ilonggo "Ga", short for Pangga, or mahal in Tagalog. Answit deba?

3. Buhay na buhay ang night life sa Smallville sa Iloilo. Para syang series of Bars, Disco house ang sing-along hub in the city at affordable ang prices ha. (at prinomote ko daw talaga.)

4. Madaming murang kainan sa Iloilo. If you happen to come there, don't forget to check "Green Mango" resto. Semi-fine dine-in na sya, pero sa presyong abot kaya.(Sana bayaran nila ko for this endorsement). Cozy place, yummy food, nice crews. You may also want to eat at JD's, parang local version nila ng Goldilocks, they sell pastries pero may mga rice meals din at merienda items at its cheapest price.

@ Green Mango


5. There is a place in Iloilo called Damires Hills in Janiuay, Iloilo. If you are looking for a serene, peaceful place, Check this out. Newly establish lang daw itong resort na to at the top of a hill. Sobrang relaxing at refreshing.



6. Madaming lumang structures sa Iloilo, lumang churches, houses at mga establishments. In fact, yung office na pinuntahan ko rito, luma din ang structure, malaki sya at may hagdan na pag nagtake ka ng pictures, then pina-develop mo, chances are may makasama kang hindi nakikita ng naked eye.

Even yung tinirhan namin boarding house, medyo katakot. Para kong nag-time travel. Luma yung house, pwedeng pag shootingan ng historic or horror film. Sa common area bago pumasok ng room, punong puno ng wood-laminated portraits na parang nakatingin sayo pag dadaan ka. Meron ding mga diploma, family at pictures, lahat luma. Yung mga furnitures din nila mga antique. Para kang nasa bahay na anytime may lalabas na babaeng naka-white na belo at naka-wedding gown. Ganun! Katakot! Yung mirror nila, parang yung ginagamit sa Encantadia, wala ka nang makikitang ganung design sa ngayon. Totoong medyo nakakatakot but somehow, nakakatuwa pa rin makakita ng ganung mga bagay. It's nice to look back at the past.

I'm looking forward na makabalik sa Iloilo in some other time....
 Bye bye. Thanks.

Thursday, September 01, 2011

@ Gate 116

Hi friends! Hindi ko na na-update tong blog na 'to. As in I'm so busy. Joke lang. Eto nga pala ang continuation ng trip to Panay Island ko. Pasensya na at natagalan ang karugtong.


So ayun nga, ayon sa aking plain plane ticket, sa Gate 116 daw ako ng NAIA Terminal 3 @ 1110H. Habang naghihintay ako dun, (dahil mejo napaaga ng 2 hours lang naman ang dating ko), observe-observe lang ako sa mga kaganapan sa loob ng paliparan. Hindi ito ang first time ko na makakasakay ng eroplano. But the feeling is the same. Para pa rin akong promdi na nagmamasid. (yes! Nagmamasid! Buwan ng wika??)


Byaheng Iloilo ang sasakyan kong eroplano. Habang nakaupo ako at nag-aantay sa holding area, ang mga airline employees, paulit-ulit na nagsasabi ng
"Tagbilaran...now boarding" "Calling all passengers bound to Tagbilaran"
Raised to nth power.  Ganun kadaming ulit.


Nakakatuwa yung ganung service nila. Syempre nga naman baka may maiwan. Sa dami ng ulit nilang binanggit yan, meron pala talagang mga pasaway. Alam mo yun? yung last 30 seconds na lang e magsasara na ang eroplano at ready nang magtake-off e may tumatakbo pa.
"Calling the last passengers bound to Tagbilaran, Perfecta Madlangkeme,  Seung Park Lee, Song Han Kim"
"Tinatawagan po ng pansin ang mga nahuhuling manlalakbay patungong Tagbilaran Perfecta Madlangkeme,  Seung Park Lee, Song Han Kim"
Paulit-ulit yan ha.


At dumating nga ang isang babae. Si Ate na naka-pink back-pack. Prenteng-prente pa ang arrive ni Ate. As if 2 hours early pa sya. Walang bakas ng pagmamadali. I'm sure sya si Perfecta Madlangkeme. Wala lang feeling ko lang.
"Thug-bee-lah-run???", ask ni Ate.
Sumagot ang airline employee..
"Oo! Kanina pa! takbo po. takbo!" (take note! may halong konting ines itu.)
Si Ate matibay, walk kung walk pa rin papunta sa front door.
"TAKBO PO, TAKBO HINDI LAKAD!!! TAKBOOOOO!!!!!!!!! ay talagang galit na si ateng airline employee.
At tumakbo nga si Ate. Sana naabutan nya.


At hindi pa dyan natatapos ang punctuality ng mga Noypi. After an hour,
"Calling the last passengers bound to Butuan, bound to Butuan Juanito Wenceslao and Liwayway Wenceslao."
"Tinatawagan po ng pansin ang mga nahuhuling mananakay patungong Butuan patungong Butuan, Juanito Wenceslao at Liwayway Wenceslao."
At dumating ang dalawang matandang matandang mag-asawa. Na malamang ay si Juanito at Liwayway Wenceslao na. In-assist sila ng isang lalaking crew patungong back door kung saan naghihintay ang plane patungong Butuan. Habang naglalakad sila papuntang backdoor, sabi ni Crew,
"Nay, takbo po tayo."
Imaginine mo kung anong itsura ng dalawang uber thunder na pinapatakbo. Sige imaginin mo! Ayun lalo silang natagalan umabot sa backdoor.


Maya-maya pa,


"Calling the attention of all passengers bound to Iloilo, (ayan at last makakalipad na, Iloilo, here I come!!!!) Your flight is reschedule at 1:00 PM this afternoon due to the additional servicing of the aircraft. We are sorry for this inconvinience. Please wait for further announcement!"


Huwaaaatt???? another 2 hours akong maghihintay??? Are you serious??!!!?Please wait??? 9:00 pa ako naghihintay!!!


O, well, ano bang magagawa ko? E, di maghintay. Habang naghihintay, isang katabi kong pasahero ang nag-tetext, ngumingiti-ngiti pa tas tumayo, at nag-split umakyat ng hagdan. As if we care sa ginagawa nya noh? LOL. Maya-maya paglingon ko, Pak! Nahulog pala yung wallet nya sa upuan.


Ano ang ginawa ko?


a. inangkin ang wallet na mukang makapal at mamahalin
b. Deadma
c. Oo, tama! mabuti ang puso ko kaya hinabol ko ang may-ari hanggang sa itaas. Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis para abutan ko sya.


Pag-abot ko ng wallet,... in fairness nag-thank you naman. Pero ganun na lang ba yon? Wala man lang bang pabuya kahit pang-siopao lang?


Joke lang syempre. It pays to be good. Hindi  importante ang reward from other people. What matters is nakatulong ka. At masarap ang feeling nang ganun. That would be all, I thank you.


Moving on, pagbalik ko ng Gate 116, Good thing!  @12:00 PM daw, Lilipad na daw ang aircraft to Iloilo. Napaaga. Eto sure na! Yahoo!! Hello Iloilo!!!! 


Waiting for 12:00 ang eksena....


At dumating nga ang boarding time...Tumayo na ako at pumila. .Habang nakapila ako papunta sa entrance, dalawang Koreans ang lumapit sa front desk ng Gate 116, mula sa kanilang pagpi-picture taking at pag-su-sweet-sweetan sa upuan.


"Ta-bee-lah-run"
What are your names sir?
 "Seung Park Lee, Song Han Kim"


"But I called for your names repeatedly...the plane is already in Tagbilaran."
Thoinks!


Chow!


Bukas na yung Iloilo at Bora trip!