Tuesday, August 16, 2011

On the way to NAIA

Hi Friends! It’s been a while since I posted an entry in my blog. Alam  mo na busi-busihan lately. Lumipat na kasi ng work ang inyong lingkod. Gone is the 8-hour internet job. Wala na ang pagiging FB accountant at Blog analyst. Hindi na ko makapag-blog hop, andami ko nang backlogs sa pagbabasa ng blogs. In short walang internet sa new work ko. Sa bahay kasi, sira ang hi-tech PC.  Anyways, kaya ko naisip magblog ngayon ay uber sa dami ng events ang happy life ko lately. But then, di ko na ise-share lahat dahil baka magmistulang diary ni Tiyo Carlo ang blog ko.
So ayun nga, lumipat na ako ng work for so many reasons. Isa na syempre dyan ang paghahanap ng greener pasture (Ba’t di na lang ako nag-farmer?) Alam mo na, we’re not getting any younger. 25 pa lang naman ako, though others say na mukha lang akong 24 ½ . Lumipat ako sa food industry bilang cook  accounting personnel… Yes! Nasa accounting department na po ako ngayon. You may think that it’s boring and no fun at all. But ah-ah-ah, not for me... Boring ba yung ipadala ka for two weeks sa Iloilo and Boracay? You heard it right. B-O-R-A-C-A-Y. With all those white sands, crystal blue waters, azure skies, beautiful people, and a lot more. Boring ba  yun? Oi hindi ako nang-iinggit ha. Hindi talaga. Hindi. Hindi. Hindi.
So ayun nga, ipinadala ako for an official business trip (O ha, o-f-f-i-c-i-a-l business trip!). This may take two weeks and subject to extension. Ako na!
August 14, Sunday
Dear Diary,
A day before my flight to Iloilo, I and my friends went to Karaoke Hub.  Ansaya-saya. Kahit medyo mahal ang fee. Ok lang, Masaya naman. We sang and sang and sang, just like those college days. After that, umuwi na. I packed my things, I’m ready to go. I’m standing here outside your door.
Love,
 Tiyo Carlo  JAT
August 15, Monday
Flight ko na to Iloilo. Nakalagay sa itinerary ko, 1110H ang flight. Alas singko pa lang, pinilit ko nang gisingin ang katawang lupa ko, mahirap na maiwan ng eroplano no! Oo dapat ganyan kaaga.
Ligo, Kain, ok na. Time check: 6 AM, go na! (Sorry nakalimutan ko, nagdamit muna pala ko.)
All set! Fly na! (Excited lang?)
Sa byahe, Wow! Kumusta naman ang Commonwealth Ave? Punung-puno ng sasakyan ang “killer highway”. Di bale maaga pa naman. Nakaraos sa Commonwealth Avenue. Here comes EDSA. Grabe! Mula Kamuning hanggang Cubao-Aurora, parang may prusisyon, spell traffic kaya? Oh Well, what’s new? Time Check: 7:30AM. Maaga pa. Patience. Patience.
Sa Farmers… Lalong nag-usad pagong. Kinakabahan na ko baka malate ako. Malaking problema pag nagkataon. Pray lang ako na mawala ang traffic at bumilis ang takbo namin. Kakaba-kaba na ang puso kong nangangamba sa yong mga pangako..ohohoh..
Time Check: 8 AM.
Nasa Ortigas pa lang ako. Kinakabahan na talaga ako. Some more prayers. Iniisip ko pa lang ang kakalsadahang Crossing-Shaw, Boni, Guadalupe, Buendia at Ayala, Naii-stuck na ko. More more Kaba by Tootsie Guevarra. Pag nagkataon, ang Trip to Bora ko ay parang kastilyong buhanging guguho.
At tamah! Nothing’s gonna change ang traffic sa mga nasabing kalsada. (Again, Insert Kaba by Tootsie Guevarra Rap Version).
Akala ko sa kalye na ko titira.
But wait, seems like God answered me, nasa Evangelista na ko nang di ko namalayan (teleport?) Nope, honestly, nakaarating ako ng mabilis kahit trafficz. Bumaba na ko at doon nag-taxi. Walang metro si Manong. Kontrata itu. Naku ayaw ng LTO ng ganyan.
Anyway, gusto ko nang makita ang airport. Go! kahit magkano pa yan! (hong yomon!) P250 singil nya. Tinawaran ko ng P200.  Pumayag. Mahal pa rin kung tutuusin pero, “Go na! paliparin mo na tong taxi! Manong Driver!”
Aba! wait, ung dispatcher, isinakay lang ang mamahalin kong maleta sa taxi, humihingi.., pang-kape lang daw. Kahit bente lang daw. Sosyal…ayaw ng nasa sachet. Sayang wala akong dalang Nescafe 3 in 1. Binigyan ko sana sya. Anyway, para makaalis na, sabi ko na lang,
“Ayan na ang bente! Dukha! Hmp!” Joke yan syempre. Binigyan ko na din, tutal P20 lang naman yon, so immaterial, right? (hong yomon talaga! joke)
At ayun, dinala ako ni Manong driver sa NAIA Terminal 3.
Hanggang dyan na lang muna mga Friends ha, humahaba na mishado. Saka natatamad na ko mag-type. Sa next blog ko na ikukwento ang mga kasunod na pangyayari. At kung anong kabutihang-asal ang ginawa ko sa loob ng Airport.
Thanksthanks!